Buwan ng Agosto, idineklarang Jubilee Month for the Clergy ng Diocese of San Pablo

SHARE THE TRUTH

 310 total views

Inilaan ng Diocese of San Pablo sa lalawigan ng Laguna ang buwan ng Agosto bilang Jubilee Month for the Clergy sa diyosesis.

Ayon kay Rev. Fr. Mario Rivera, Director ng Commission for the Clergy ng Diocese of San Pablo, bilang bahagi ng patuloy na lokal na pagdiriwang ng diyosesis ng ika-500 anibersaryo ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyano sa Pilipinas ay inilaan ng diyosesis ang buwan ng Agosto upang kilalanin ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga Pari sa pagpapalaganap ng Kristyanismo.

Ipinaliwanag ng Pari na isa rin itong pagkakataon upang makilala ng bawat mananampalataya ang mga Pari na naglilingkod sa bayan ng Diyos sa Diyosesis ng San Pablo.

“Ang ating mga Pari ang siyang nangunguna sa pagpapalaganap ng ating pananampalatayang Katoliko kaya naman ang pagpapatuloy ng selebrasyon ng ika-500 taon ng Kristiyanismo, itinalaga po ang buwan ng Agosto bilang Jubilee Month for the Clergy, sama-sama nating kilalaning lubos ang mga Pari na naglilingkod sa bayan ng Diyos dito sa ating Diyosesis ng San Pablo.”pahayag ni Fr. Rivera.

Pagbabahagi ni Fr. Rivera, itatampok sa official Facebook Page ng paggunita ng diyosesis sa ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas na 500 Years of Christianity – Diocese of San Pablo ang larawan ng Pari, detalye tulad ng araw ng kanilang kapanganakan, lugar na pinanggalingan at araw ng ordinasyon.

Magsisilbi namang rurok ng pagdiriwang ng Jubilee Month for the Clergy ng Diocese of San Pablo ang pagbibigay parangal sa mga magulang ng mga Pari, bilang pagkilala sa kanilang mga sakripisyo na ipagkaloob ang kanilang mga anak upang paglingkuran ang bayan ng Diyos.

“Ang rurok ng pagdiriwang ng Jubilee Month for the Clergy ay bibigyang parangal ang mga magulang ng ating mga Pari upang kilalanin ang kanilang sakripisyo na ibigay ang kanilang mga anak sa Diyos upang paglingkuran ang bayan niya. Ang bawat magulang ay makakatanggap ng certificate mula sa ating diyosesis kasama ang 500 YOC Commemorative Medal.” Dagdag pa ni Fr. Rivera.

Samantala, bilang bahagi ng paggunita ng Jubilee Month for the Clergy sa diyosesis ay inaanyayahan ni San Pablo Bishop Buenaventura Famadico ang bawat mananampalataya sa Diocesan Virtual Concert Series #VocationStories na handog ng mga Pari ng diyosesis na may titulong ‘Konsyerto sa Ikalimang Siglo: Awit Pasasalamat ng Pari ni Kristo’ na masusubaybayan tuwing Sabado sa buong buwan ng Agosto ganap na alas-otso ng gabi na nagsimula noong ika-7 ng Agosto.

Bukod sa talento sa pag-awit ng mga Pari mula sa apat na distrito ng Diyosesis ng San Pablo, tampok rin sa Diocesan Virtual Concert Series ang mga kwento ng buhay at bokasyon ng mga Pari ng diyosesis.

ang lahat ng malilikom na donasyon ay ilalaan naman para health at hospitalization fund ng mga Pari ng Diyosesis ng San Pablo.

“Sa pagpapatuloy po ng ating pagdiriwang ng ika-500 taon ng pagdating ng pananampalatayang Kristiyanismo dito sa ating bansa ang buwan po ng Agosto ay inilaan natin para sa ating mga kaparian, sa kanila pong paglilingkod sa atin na binubuo ng pagpapahayag ng Salita ng Diyos, pagdiriwang ng mga sakramento, pamamalakad ng Simbahan kasama na po yung iba’t ibang programa at ng kawang gawa ay magkakaroon po ng tinatawag na Diocesan Virtual Concert #VocationStories.” paanyaya ni Bishop Famadico.

Una ng inihayag ng Obispo na siya ring outgoing Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Clergy ang mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng mga lingkod ng Simbahan sa pagpapatuloy ng misyon ni Hesus na ibahagi at palaganapin ang Mabuting Balita ng Diyos.

Matatandaang una ng inilaan ng Diyosesis ng San Pablo ang buwan ng Hunyo bilang Jubilee Month for Religious Men and Women sa diyosesis habang noong buwan naman ng Hulyo ay idineklara ang Jubilee Month for the Elderly sa diyosesis.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 42,649 total views

 42,649 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 48,067 total views

 48,067 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 54,774 total views

 54,774 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 69,568 total views

 69,568 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 75,724 total views

 75,724 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Kauna-unahang EJK memorial site, pasisinayaan sa labor day

 9,287 total views

 9,287 total views Nakatakdang pasinayaan ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang kauna-unahang EJK Memorial Site na tinaguriang ‘Dambana ng Paghilom’ na magsisilbing himalayan ng mga biktima ng extra-judicial killings. Inihayag ni AJ Kalinga Foundation Inc. Founder and President Fr. Flavie Villanueva SVD na layunin ng ‘Dambana ng Paghilom’ na kauna-unahang EJK Memorial Site na mabigyan ng

Read More »
Environment
Reyn Letran - Ibañez

MaPSA nagsagawa ng donation campaign, sa pagsasaayos ng nasunog na paaralan

 9,364 total views

 9,364 total views Nagpahayag ng pakikiisa sa Paco Catholic School ang Manila Ecclesiastical Province School Systems Association (MaPSA) matapos ang naganap na sunog na tumupok sa bahagi ng paaralan noong nakalipas na Sabado. Bilang tugon sa pangangailangan ng Paco Catholic School ay naglunsad ng inisyatibo ang MaPSA upang makapangalap ng donasyon na makakatulong para sa muling

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Arkidiyosesis at diyosesis sa bansa, hinimok na makiisa sa “prayer for peace and social transformation”

 9,837 total views

 9,837 total views Nanawagan ang Caritas Philippines sa bawat diyosesis sa Pilipinas na makibahagi sa ‘Prayer for Peace and Social Transformation’ bilang pakikiisa sa Good Governance Month na idineklara ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines. Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza – vice chairman ng humanitarian, development and advocacy arm ng CBCP, inaprubahan ng

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

CBCP-ECPPC, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang kapakanan ng PDLs

 10,529 total views

 10,529 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care sa mga ahensya ng pamahalaan na nangangasiwa sa mga bilangguan sa bansa na tutukan ang kapakanan ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa gitna ng matinding init na nararanasan sa kasalukuyan. Ito ang kahilingan ni Military Ordinariate

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Walk for Life 2024, isasagawa sa Archdiocese of Palo

 11,892 total views

 11,892 total views Nakatakdang magsagawa ng lokal na Walk for Life 2024 ang Archdiocese of Palo at Palo Council of the Laity bilang patuloy na paninindigan ng mga layko sa pagsusulong ng kasagraduhan ng buhay. Nakatakdang ang pagsasagawa ng gawain sa darating na Sabado, ika-27 ng Abril, 2024 ganap na alas-kuwatro ng madaling araw hanggang alas-otso

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

CBCP, nag-alay ng panalangin para sa mga opisyal ng Pilipinas

 14,398 total views

 14,398 total views Nag-alay ng panalangin ang humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para mga opisyal at lider na namamahala sa bansa. Kasabay ng paggunita sa Good Shepherd Sunday na itinuturing din na Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa Bokasyon, inalala at ipinanalangin ng Caritas Philippines sa pangunguna ng

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagpapatigil ng human rights violations sa Negros island, apela ng Obispo sa pamahalaan

 15,381 total views

 15,381 total views Umaapela ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagbibigay seguridad at katarungang panlipunan sa Negros island. Ito ang mensahe ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, Vice-President ng Caritas Philippines bilang suporta sa isinasagawang 24-hour Fasting Protest ng mga political

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

100-political prisoners, magsasagawa ng 24-hour fasting protest

 19,151 total views

 19,151 total views Magsasagawa ng 24-hour Fasting Protest ang may 100-political prisoners sa Negros island upang ipanawagan sa Commission on Human Rights (CHR) ang pagsagawa ng maayos na imbestigasyon sa mga kaso ng human rights violations na nagaganap sa lalawigan. Inihayag ng Negros Occidental Chapter ng Kapisanan para sa Pagpapalaya ng mga Detinidong Pulitikal sa Pilipinas

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Pagkilala sa mga kababaihan, nararapat at napapanahon

 16,960 total views

 16,960 total views Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na napapanahon ang pagbibigay halaga at pangunguna ng Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa kapakanan ng mga kababaihan para sa patas na pagtingin sa bawat isa sa lipunan. Ito ang ibinahagi ni CBCP Office on Women chairman Borongan Bishop Crispin

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ecumenical council sa Negros, nagpahayag ng pakikiisa sa Palestina

 25,051 total views

 25,051 total views Nagpahayag ng suporta at pakikiisa sa bansang Palestina ang One Negros Ecumenical Council (ONE-C) na binubuo ng mga opisyal ng Roman Catholic Church, Iglesia Filipina Independiente (IFI) at United Church of Christ of the Philippines (UCCP) sa Negros-island. Sa isang solidarity message na nilagdaan ng apat na opisyal ng iba’t ibang denominasyon mula

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Historical revisionism, pipigilan ng Martial Law Digital Library

 25,792 total views

 25,792 total views Naniniwala ang Ateneo Martial Law Museum na kinakailangang balikan ang kasaysayan ng bansa o mga nangyari sa nakaraan upang tumimo ang mga aral na hatid nito at maiwasang maulit sa kasalukuyang panahon. Ito ang ibinahagi ni Oliver John Quintana – coordinator ng Ateneo Martial Law Museum and Library sa programang Barangay Simbayanan sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, binalaan sa pekeng email account ni Archbishop Palma

 19,116 total views

 19,116 total views Muling nagbabala sa publiko ang Archdiocese of Cebu kaugnay sa mga gumagamit ng pekeng email account na nakapangalan kay Cebu Archbishop Jose Palma. Bahagi ng babala ng arkidiyosesis ang pag-iingat ng publiko sa pakikipag-ugnayan at pakikipag-komunikasyon sa mga mapanamantalang indibidwal na ginagamit ang pangalan ni Archbishop Palma sa paghingi ng donasyon at tulong

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pastoral fund outsourcing, inilunsad ng Prelatura ng Batanes

 19,541 total views

 19,541 total views Ibinahagi ni Batanes Bishop Danilo Ulep ang isinasagawang pangangalap ng pondo ng Prelatura ng Batanes upang maisakatuparan ang mga programa ng Simbahan para sa mamamayan ng lalawigan. Sa programang pastoral visit on-air ni Bishop Ulep sa Radio Veritas ay ibinahagi ng Obispo ang kanyang panibagong misyon na makapangalap ng pondo upang maisakatuparan ang

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Pahalagahan ang tinatamasang kalayaan ng Pilipinas, panawagan ni Bishop Santos Naniniwala ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang patuloy na alalahanin at pasalamatan ang mga bayaning nagpamalas ng kagitingan para sa kapakanan ng bansa.

 21,592 total views

 21,592 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Antipolo Bishop Ruperto Santos – vice chairman ng migrants ministry ng CBCP sa ika-82 taong paggunita sa Araw ng Kagitingan. Ayon sa Obispo, naaangkop lamang na patuloy na pasalamatan ang mga nagbuwis ng kanilang buhay para sa karapatan at dignidad ng mga Pilipino lalo’t higit para sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, ipagdarasal ang kapakanan ng mga kababaihan

 23,946 total views

 23,946 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pakikiisa sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pananalangin para sa mga kababaihan ngayong buwan ng Abril. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla, kaugnay sa prayer intention ni Pope Francis ngayong buwan na inilaan para sa mahalagang papel ng mga kababaihan sa lipunan. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top