Father Arevalo, kinilala ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,547 total reads

Kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang namayapang tanyag na Filipino Theologian na si Fr. Catalino Arevalo, SJ.

Binigyang pugay ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David si Fr. Arevalo dahil sa malaking kontribusyon sa pagpapaunlad ng simbahang katolika sa Pilipinas at sa Asya sa pagiging dalubhasa sa teolohiya.

“We are very greatly indebted to Fr. [Catalino] Arevalo for his immense contribution he has made for the Philippine church.” ani Bishop David.

Pinasamalatan ng opisyal ang namayapang pari dahil sa pagbahagi ng talento at kaalaman sa paghubog ng mga lingkod ng simbahan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo lalo’t ito ang kauna-unahang Pilipinong nagturo sa Jesuit theologate sa Woodstock College sa Maryland USA at kauna-unahang Asyanong napabilang sa International Theological Commission sa Vatican.

Dahil dito, inaanyayahan ni Bishop David ang mga Heswita na tularan ang halimbawa ni Fr. Arevalo sa pagiging aktibong tagapagsulong ng mga programang magpapatatag sa pundasyon ng simbahan.

“I invite our other brother Jesuits Fathers especially the Theologians among them to continue to extend some service to the Philippine Church by serving also as our theological consultants it will be really greatly appreciated.” saad ni Bishop David.

Pumanaw ang pari sa edad na 97 taong gulang noong January 18 sa Jesuit Health and Wellness Center.

Sa halos pitong dekadang pagiging Heswitang pari pinamunuan nito ang iba’t ibang tanggapan ng mga Heswita kabilang na ang Loyola House of Studies at Loyola School of Theology kung saan nagturo ito hanggang 2010.

Kinilala si Fr. Arevalo bilang ‘Father of Asian Theology’ ng Federation of Asian Bishops’ Conferences dahil sa pagiging bahagi na maging buo ang organisasyon kung saan ito rin ang nagbalangkas sa kauna-unahang dokumento ng FABC na pinamagatang ‘Evangelization in Modern Day Asia’ na ginagamit hanggang sa kasalukuyan.

Taong 1997 nang gawaran din nito ng Pro Ecclesia et Pontifice award dahil sa natatanging paglilingkod sa simbahang katolika.

Inihatid sa huling hantungan si Fr. Arevalo nitong January 22 sa Province Cemetery ng mga Heswita sa Sacred Heart Novitiate sa Novaliches, Quezon City matapos ang isinagawang Banal na Misa sa Church of Gesu na pinangunahan ni Fr. Peter Pojol, S.J, ang Socius to the Provincial ng Society of Jesus sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 23,380 total reads

 23,380 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 59,936 total reads

 59,936 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 286,206 total reads

 286,206 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 179,673 total reads

 179,673 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 272,461 total reads

 272,461 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top