Father Evan Villanueva, muling nahalal na Provincial Superior of the Camillian Philippine Province

SHARE THE TRUTH

 2,133 total views

Nagpaabot ng pagbati ang Camillian Philippine Province kay Fr. Evan Paul Villanueva, MI sa muling pagkakahalal bilang Provincial Superior ng Order of the Ministers of the Infirm Philippines sa susunod na tatlong taon.

Kasunod ito ng opisyal na liham mula kay Camillian Superior General Fr. Pedro Celso Tramontin, na muling nagtalaga kay Fr. Villanueva upang pamunuan ang mga paring Kamilyano sa bansa sa mula 2025 hanggang 2028.

“We joyfully congratulate Fr. Evan Paul A. Villanueva, MI on his re-election as Provincial Superior of the Camillian Philippine Province for the next triennium (2025–2028). May God continue to bless your ministry with wisdom, compassion, and strength as you lead the Province forward in faith and service,” paghayag ng Camillians Philippines.

Sa liham, hinikayat ni Fr. Tramontin si Fr. Villanueva na patuloy na isabuhay ang diwa ng pag-ibig at paglilingkod, sa inspirasyon at gabay ng tagapagtatag ng kongregasyon na si San Camilo de Lellis.

Binigyang-diin din ng Superior General ang kahalagahan ng pagkakapatiran at pananagutan upang higit pang mapalalim ang misyon ng pag-aalay ng sarili sa paglilingkod sa mga may karamdaman, sa pamamagitan ng pagsunod sa Panginoong Hesukristo.

“Comforted by the grace of God, may you promote in the spirit of love and service, the unity and responsibility of your brothers in the provincial community, so that, everyone will consecrate themselves with joy to the service of the sick by following Christ,” ayon kay Fr. Tramontin.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Fr. Villanueva ang humigit-kumulang 130 Kamilyanong pari at relihiyoso na nagmimisyon sa Pilipinas, Taiwan, Indonesia, at Australia.

Noong Marso ng kasalukuyang taon, ipinagdiwang ng Camillian Philippine Province ang ika-50 anibersaryo ng pagmimisyon sa Pilipinas sa temang “Puso sa Misyon: Limang Dekadang Pasasalamat, Pagninilay, at Pagtugon sa Misyon ng Diyos.”

Unang dumating sa Pilipinas ang mga Kamilyano noong 1974, sinimulan ang lokal na bokasyon at pagtatatag ng religious houses noong March 8, 1975, at ganap na naitatag ang Camillian Philippine Province noong July 1, 2003.
Si San Camilo de Lellis ang nagtatag ng Ministers of the Sick, na kalauna’y kinilala bilang Ministers of the Infirm o Camillians, na ang tungkuli’y maglingkod sa mga maysakit at higit na ilapit ang kagalingang hatid ng Panginoong Hesukristo.

Leave a Comment

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 23,774 total views

 23,774 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 41,187 total views

 41,187 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 55,831 total views

 55,831 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 69,557 total views

 69,557 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 82,354 total views

 82,354 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

Related Story

Scroll to Top