Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Father of Modern Philippine sculpture, ginawaran ng Titus Brandsma Lifetime Achievement award

SHARE THE TRUTH

 1,908 total views

Binigyang pagkilala ng Philippine Carmelite Province of St. Titus Brandsma ang namayapang National Artist for Sculpture na si Prof. Napoleon “Billy” Veloso Abueva na kilala rin bilang “Father of Modern Philippine Sculpture”.

Iginawad sa namayapang Pambansang Alagad ng Sining ang Titus Brandsma Lifetime Achievement Award (Posthumous) sa pamamagitan ng kanyang anak na si Ms. Amihan Abueva na tumanggap ng pagkilala.

Ayon kay Rev. Rico P. Ponce, O.Carm. – Prior Provincial ng Order of Carmelites Philippine Province of St. Titus Brandsma, ang Titus Brandsma Lifetime Achievement Award kay Prof. Abueva ay pagkilala sa pakikiisa at pagsasabuhay nito sa paninindigan ni St. Titus Brandsma na pagtataguyod ng karapatang pantao at katotohanan sa lipunan.

“Ang award na ito ay napakahalaga po, unang una kinikilala natin si Prof. Abueva na kaisa sa hangarin at layunin ni St. Titus Brandsma para sa pagtaguyod ng karapatang pantao at si Prof. Abueva ay napakalapit na kaibigan sa Carmelites at kami ay naniniwala na siya ay kaisa din sa mga hangarin ni St. Titus… Kaya sa pagbigay ng award na ito ay kinikilala natin na maging inspirasyon din sa mga Filipino na tumayo at manindigan para sa karapatang pantao at para sa katotohanan.” Ang bahagi ng pahayag ni Fr. Ponce.

Si Abueva ay tubong Tagbilaran Bohol at nagtapos sa UP College of Fine Arts na hinasa rin ng isa pang National Artist at iskultor ng Oblation na si Guillermo Tolentino.

Taong 1976 ng kinilala si Abueva bilang National Artist for Sculpture in the field of Visual Arts sa edad na 46-na taong gulang na pinakabatang kinilalang National Artist sa bansa.

Kabilang sa mga pangunahing likhang sining ni Abueva ang UP Gateway (1967), Nine Muses (1994) na matatagpuan sa UP Diliman Faculty Center, Celebration of Life sa UP Manila campus, Sunburst (1994) sa Peninsula Manila Hotel, ang bronze figure ni Teodoro M. Kalaw na nasa harap ng National Library, at mural na gawa sa marmol ng National Heroes Shrine, Mt. Samat, Bataan.

Likhang sining din ni Abueva ang Blood Compact Monument sa Bohol at ang disenyo ng mga door handles sa lahat ng National Museum galleries.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 62,965 total views

 62,965 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 70,740 total views

 70,740 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 78,920 total views

 78,920 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 94,688 total views

 94,688 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 98,631 total views

 98,631 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 22,292 total views

 22,292 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 22,959 total views

 22,959 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top