Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Filipinong Pari na biktima ng karahasan sa Papua New Guinea, nasa ligtas ng kalagayan

SHARE THE TRUTH

 457 total views

Iniulat ni Alatau Bishop Rolando Santos na nasa mabuting kalagayan at nakabalik na ang Filipinong misyonero na biktima ng karahasan sa Papua New Guinea.

Sa panayam ng Radio Veritas,sinabi ni Bishop Santos na ligtas na ang pari at muling nakapaglingkod sa parokya.

“Thank God he [Fr. Manny] is already out of danger and back in his parish in Wapipi, Trobriand Islands, for the Holy Week,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Sa impormasyong ibinahagi ng obispo, ika-19 ng Marso nang pasukin ng 15 ‘rascals’ o kriminal ang tirahan ni Vincentian priest Fr. Manny Lapaz sa Alotau kung saan malubha itong nasaktan at pinagnakawan.



“The rascals intended to kill him but one of them intervened and saved Fr. Manny. No report yet of any arrests made by the police,” ani Bishop Santos.

Si Fr. Lapaz na tubong Cebu ay baguhang misyonero sa lugar at kasalukuyang superior ng Vincentian community sa ilalim ng International Mission na nakabase sa Roma.

Sa pagtaya ng obispo umabot sa halos 1.5 milyong piso ang nawala at nasira sa paglusob ng mga kriminal sa tahanan nina Fr. Lapaz.

“Caritas Papua New Guinea is giving us some help to recover what was stolen and damaged by the rascals,” dagdag pa ng obispo.

Inilarawan ni Bishop Santos ang malubhang kalagayan ng peace and order sa lugar kung saan naninindigan itong higit na isulong ang pakikipagdayalogo upang matamo ang pagkakaisa sa pamayanan.

“The peace and order situation here in Alotau and Milne Bay Province has deteriorated sharply over the last four years; The local police are outnumbered and outgunned by the rascals,” giit pa ng obispo.

Si Bishop Santos na tubong Malabon ay nanilbihang obispo sa Alotau Papua New Guinea sa loob ng isang dekada makaraang italaga ito ni Pope Emeritus Benedict XVI noong Abril 2011.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 12,820 total views

 12,820 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 20,920 total views

 20,920 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 38,887 total views

 38,887 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 68,165 total views

 68,165 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 88,742 total views

 88,742 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 3,793 total views

 3,793 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,401 total views

 9,401 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 14,556 total views

 14,556 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top