Faith,hope at love, mensahe ng Easter Sunday- VP Robredo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 605 total reads

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na naaangkop at magandang paalala ang Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus sa pagmamahal ng Panginoon para sa bawat isa.

Ito ang bahagi ng mensahe ng pakikiisa ng pangalawang pangulo ng bansa sa pagdiriwang ng mga Kristiyano sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ni Hesus.

Sa pamamagitan ng isang video message ay ibinahagi ni Robredo ang hatid na panibagong pag-asa at katatagan sa bawat isa ng pagtatagumpay ni Hesus mula sa kamatayan sa Krus.

“If there is anything that Easter and the Lenten Season reminds us, it is that during these extraordinary times of darkness, we are renewed by our faith, hope, and love for one another. Ito ang nagpapatatag at nagpapalakas sa atin, ang sisigurong maaalpasan natin ang kalbaryong pasan natin ngayon…” pahayag ni Robredo.

Ipinaliwanag ni Robredo na napakahalaga ng suportang pang-espiritwal na naidudulot ng pananampalataya lalo na sa gitna ng COVID-19 pandemic “Ito ang pangalawa nating Pasko ng Pagkabuhay sa ilalim ng COVID-19. Sa nakalipas na linggo, nakita natin kung paano nito patuloy na binabago ang buhay natin; cases in our communities continue to rise, our healthcare systems are close to being overwhelmed, the economy is still shrinking, and many of us – from medical professionals to the daily wage earner are struggling everyday with these disruptions.” Dagdag pa ni Vice President Robredo.

Umaasa si Robredo na ganap na makapagdulot ng tapang at inspirasyon ang Muling Pagkabuhay ni Hesus para muling magsimula at makabangon mula sa mapanghamong panahon ang bawat isa. Batay sa tala ng Department of Health umaabot na sa 803,398 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa bansa kasunod ng muling pagtaas ng kaso ng sakit sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 1,244 total reads

 1,244 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 74,497 total reads

 74,497 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 160,996 total reads

 160,996 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 204,031 total reads

 204,031 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 253,745 total reads

 253,745 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top