Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 124,169 total reads

Ayon sa isang pag-aaral ng World Food Programme, isa sa sampung kabahayan sa Pilipinas ay food insecure.  Malaking bilang ito, kapanalig, at karaniwan silang matatagpuan sa Bangsamoro Administrative Region in Muslim Mindanao (BARMM), Region 8, at Region 12, tatlo sa pinaka-mahirap na rehiyon sa ating bayan. Ang BARMM ay may food insecurity levels na mahigit pa sa 30%.

Ang gutom, kapanalig, ay hindi simpleng problema. Marami sa ating mga kababayan na dumaranas nito ay wala ng choice kundi umutang para lang may mahanda sa hapag-kainan. Ang gutom din ay nagtutulak sa ilan nating mga kababayan na kumapit  sa patalim.  Maraming dahilan kung bakit nararanasan ito sa bansa, at nararapat nating tutukan upang makahanap tayo ng solusyon.

Isa sa mga pangunahing sanhi ng food insecurity sa Pilipinas ay ang kahirapan. Maraming pamilya ang hindi kayang bumili ng sapat at masustansiyang pagkain dahil sa kawalan ng trabaho, mababang sahod, at limitadong oportunidad para sa kabuhayan. Ang kahirapan ay nagiging pangunahing hadlang sa pag-access ng mga tao sa sariwang pagkain at mabuting nutrisyon.

Ang pagbabago ng klima at kalamidad ay isa ring malaking factor sa food insecurity. Ang Pilipinas ay isang bansa na madalas tamaan ng mga bagyo, pag-ulan, at iba pang natural na kalamidad. Ito’y nagdudulot ng pagkasira ng mga taniman, pagguho ng lupa, at pagkasira ng imprastruktura na kadalasang nagreresulta sa kakulangan ng suplay ng pagkain.

Ang mabagal na pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa Pilipinas ay nagdudulot din ng food insecurity. Maraming magsasaka ang nahihirapan sa kakulangan ng suporta mula sa gobyerno. Marami ang walang modernong kagamitan, teknolohiya, at pondo para sa pagpapabuti ng kanilang taniman. Ang hindi sapat na suporta na ito ay nagreresulta sa mababang ani, mataas na presyo ng pagkain, at kakulangan sa kalidad ng agricultural products.

Upang labanan ang food insecurity sa Pilipinas, mahalaga ang pagtataguyod ng mas malakas na sektor ng agrikultura, kasama na ang modernisasyon at pagpapabuti ng teknolohiya. Dapat ding magkaroon ng mga programa at proyekto para sa mga magsasaka, partikular na sa mga lugar na madalas tamaan ng kalamidad. Ang edukasyon tungkol sa wastong nutrisyon at ang kahalagahan ng malusog na pamumuhay ay dapat ding bigyang diin upang mapabuti ang kaalaman ng mamamayan sa pagpili ng tamang pagkain. Ang lokal at nasyonal na gobyerno ang siya dapat manguna dito.

Higit sa lahat, ang coordinated mula sa gobyerno, private sector, at komunidad ay kinakailangan upang mabigyan ng wastong solusyon ang problema ng food insecurity. Sa pamamagitan ng pagtutulungan, maaari nating mabawasan at eventually masugpo ang kawalan ng seguridad sa pagkain sa Pilipinas.

Ang Gaudium et Spes, mula sa Panlipunang Turo ng Simbahan, ay may panawagan sa atin: Feed the people dying of hunger, because if you do not feed them you are killing them. Mapukaw sana nito ang ating puso at isipan, upang ating maprayoridad ang pagtitiyak ng pagkain para sa lahat ng Filipino.

Sumainyo ang Katotohanan.

Church workers, hinamon ni Bishop Santos

 13,729 total reads

 13,729 total reads Hinamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga church workers na seryosohin ang kanilang papel bilang mga lingkod na tumatanggap sa mga deboto

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 78,525 total reads

 78,525 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 139,021 total reads

 139,021 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 156,619 total reads

 156,619 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 237,274 total reads

 237,274 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 335,392 total reads

 335,392 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ilawan ang katotohanan

 78,526 total reads

 78,526 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 139,022 total reads

 139,022 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 156,620 total reads

 156,620 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 237,275 total reads

 237,275 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »
Scroll to Top