Freelancers at Gig Economy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 679 total reads

Isa sa pinaka-patok na pagkakitaan ngayon, kapanalig, ay ang pagiging freelancer o pagiging bahagi ng gig economy. Dumadami na nga ang mga Pilipinong sumasabak sa ganitong uri ng trabaho. Tinatayang mga 1.5 milyong Pilipino na ang nagtatrabaho bilang freelancers sa atin ngayon. Sa kabila ng dami nila at ng mga pagkakataon na dala nito, mayroon pa ring mga hamon ang kailangang harapin at solusyunan.

Ang freelancers at gig workers ay mga indibidwal na nagtatrabaho ng malaya at kadalasang naka kontrata o project-based. Hindi sila mga regular na empleyado gaya ng mga tauhan sa mga kumpanya o sa gobyerno. May kalayaan silang mamili ng mga proyekto at kliyente. Kadalasan flexible ang ganitong uri ng trabaho, na isa mga sa pangunahing rason bakit marami ang pumipili nito. May kontrol sila sa kanilang oras at kaya pang makakuha ng mas maraming kontrata o proyekto.

Dahil sa gig economy, maraming Pilipino ang nagkaroon ng pagkakakitaan. Nagbukas ito ng maraming oportunidad, hindi lamang para sa pagkakakitaan, kundi pati sa pagsasanay, sa pagbubukas ng  bagong larangan o karera para mga kababayan natin, at pakikipag-networking. Nagbigay daan ito sa mga Filipino na makapaghanap ng trabaho kahit anong edad, tapos man o hindi. Nakatulong ito sa maraming mga magulang na kumita kahit nasa bahay lamang.

Gayunpaman, maraming isyu ang hinaharap ang ating mga freelancers at gig workers. Isa sa mga pangunahing hamon ay ang kawalan ng seguridad sa trabaho. Isa sa mga pangunahing hamon ay ang kakulangan ng seguridad sa trabaho. Dahil hindi regular na empleyado, may hangganan ang kanilang kontrata o proyekto. Matapos ang ilang buwan, o ilang linggo pa nga, kailangan na nila maghanap ng iba pang kliyente o proyekto para pamalit. Wala rin silang mga benepisyo gaya ng social security, health insurance, o iba pang benepisyo, gaya ng natatanggap ng regular na empleyado, tulad ng Christmas bonus at 13th month pay. Ang kakulangan din sa proteksyon sa trabaho at minsan pati sa compensation o sweldo ay isa rin sa mga mahalagang isyung kinakaharap ng mga freelancers.

Bukod pa dito, wala ring organisasyon o institusyong nakatutok sa gig economy at mga freelancers. Walang nagtatanggol ng kanilang mga karapatan, kaya maraming mga pagkakataon kung saan maraming mga workers dito ay sobrang liit ng mga sweldo at sobrang bigat ng mga trabaho. Kailangang masiguro natin, kapanalig, na mayroong tamang sistema na magbibigay proteksyon sa kanilang mga interes at nagtatakda ng tamang pamantayan sa trabaho at nagbibigay-proteksyon sa kanilang mga interes. Kailangan din pahalagahan ang kanilang kontribusyon sa ekonomiya.  Sabi nga sa Sacramentum Caritatis, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan, work is of fundamental importance to the fulfillment of the human being and to the development of society. Thus, it must always be organized and carried out with full respect for human dignity and must always serve the common good.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 9,649 total reads

 9,649 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 44,327 total reads

 44,327 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 74,266 total reads

 74,266 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 110,748 total reads

 110,748 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 128,790 total reads

 128,790 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 9,651 total reads

 9,651 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 44,329 total reads

 44,329 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 74,268 total reads

 74,268 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 110,750 total reads

 110,750 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top