VeritasPH

The Word, The Truth

 239 total views

Mga Kapanalig, nakababahala ang pagmamadali ng mga kaalyado ni Pangulong Duterte sa Mababang Kapulungan na baguhin ang ating Saligang Batas. Ayon sa kanila, bigô ang kasalukuyang Saligang Batas na ibsan ang kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay sa ating bayan. Dapat na rin daw itong baguhin upang bigyang-daan ang federalismo, na sa kanilang pananaw ay mas angkop sa ating kalagayan. Nakakuha sila ng kakampi kay Pangulong Duterte, at nais nilang samantalahin ang kanyang kasikatan upang makuha ang suporta ng publiko sa ipinapanukala nilang sistema at porma ng pamahalaan. Ngunit ang Konstitusyon nga ba ang problema o ang mga pinuno nating hindi naging tapat sa Saligang Batas?

Mabuti na lamang at sa Senado, nagkakaroon ng malalim at seryosong talakayan tungkol sa Charter change o Cha-cha. Narinig natin sa mga isinagawang hearing ang opinyon ng mga eksperto sa usaping ito, kabilang ang mga dating mahistrado at mga kasapi ng komisyong nanguna sa pagbubuo ng kasalukuyan nating Konstitusyon. Ayon sa mga tutol sa Cha-cha, sinasalamin ng 1987 Constitution ang hangarin nating mga Pilipino na itatag ang isang demokratiko at makatarungang lipunan matapos ang mahabang panahon sa ilalim ng mapanupil na pamamahala ng diktador na si Ferdinand Marcos. Tiniyak ng komisyong bumalangkas ng Saligang Batas na itataguyod nito ang mga pinahahalagahan nating mga Pilipino, at isusulong nito ang tunay na kaunlaran, kaya nasa puso nito ang katarungan sa lipunan o social justice. Tiniyak ding alam ng taumbayan ang nilalaman ng binubuong Saligang Batas sa pamamagitan ng mga konsultasyon at malawakang pagpapaalám, hanggang sa sang-ayunan ng mayorya ng mga botanteng Pilipino ang umiiral nating Konstitusyon.

Sa tuwing may panukalang baguhin ang ating Konstitusyon—mga limang beses na po ito, mga Kapanalig—nariyan ang ating Simbahan upang magbigay ng gabay sa mga mananampalatayang Pilipino. At sa pamamagitan ng isang pastoral guide na inilabas pagkatapos ng kanilang plenary assembly sa Cebu noong nakaraang buwan, nanindigan ang CBCP na bagamat hindi perpekto ang kasalukuyang Saligang Batas, naaayon sa Mabuting Balita ng Diyos ang mga prinsipyong nakapaloob sa pinakamataas na batas sa ating bansa. Kaya naman, ngayong mainit ang isyu ng Cha-cha, naninindigan din ang ating mga obispong “ang pag-amyenda sa Saligang Batas, na maingat na ginawa para sa kabutihan ng lahat matapos ang panahon ng diktadura, ay nangangailangan ng malawakang pakikilahok ng mamamayan at konsultasyon, ng iisang pagtanaw (o unity in vision), ng bukás na proseso (o transparency), at ng sapat na kahinahunang magbibigay-daan sa makatwirang talakayan.”
Napapanahon ang gabay at pahayag na ito upang bigyang-diin na hindi lamang legalidad o pulitika ang dapat na batayan ng mga talakayan tungkol sa Cha-cha. Pinaaalala sa ating mga pinuno at sa ating mga ordinaryong mamamayan na may mga moral na prinsipyong dapat na isinasaalang-alang sa Cha-cha.
Halimbawa, sa paanong paraan itinataguyod ng panukalang pagbabago sa Saligang Batas ang dignidad ng tao at ang kanyang mga karapatan, gaya nang nakasaad na sa kasalukuyang Konstitusyon? O baka naman mas liliit ang halaga ng buhay ng tao sa ilalim ng bagong sistema?

Ikalawa, nakabatay ba ito sa katotohanan? O binibilog lamang ng mga may interes ang ating pananaw upang sumang-ayon tayo sa Cha-cha at federalismo?

Ikatlo, makahulugan ba ang pakikilahok ng mga mamamayan at napagtitibay ang ating pagkakaisa? O baka naman sa likod ng matatamis na pangako ng pagbabago ay ang mas pagkakawatak-watak natin bilang mga Pilipino at ang pagbuwag sa mga institusyong nagtataguyod ng kalayaan ng mga mamamayan?

Panghuli, makikinabang ba ang lahat sa pagbabago? O interes lamang ng mga makapangyarihan ang iiral?

Mga Kapanalig, timbangin ang mga naririnig natin tungkol sa Cha-cha gamit ang mga batayang inilatag ng ating mga pastol, dahil, gaya rin ng kanilang sinabi, baka ang mas dapat baguhin ay ang kultura ng pulitika sa ating bansa.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 1,152 total views

 1,152 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 9,137 total views

 9,137 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 16,673 total views

 16,673 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 32,659 total views

 32,659 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 40,703 total views

 40,703 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 1,153 total views

 1,153 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 9,138 total views

 9,138 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 16,674 total views

 16,674 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 32,660 total views

 32,660 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 40,704 total views

 40,704 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,191 total views

 45,191 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,616 total views

 43,616 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,402 total views

 45,402 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,327 total views

 42,327 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,641 total views

 56,641 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,331 total views

 60,331 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,934 total views

 58,934 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,921 total views

 68,921 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,889 total views

 72,889 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,776 total views

 83,776 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top