Gabayan ang kapwa patungo kay Kristo, misyon ng layko-Bishop Caermare

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 68,434 total reads

Binigyang-diin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang kahalagahan ng tulong ng mga layko para sa pagsusulong ng misyon ng Simbahang Katolika.

Ayon kay Dipolog Bishop Severo Caermare – chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity at Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP), na ang tunay na paglilingkod ng mga layko ay dapat nakaugat sa panalangin, kababaang-loob, at tamang pagkilala sa tungkulin bilang mga anak ng Diyos.

Ito ang bahagi ng pagninilay ng Obispo sa kanyang homiliya na may titulong “Prayer, Humility, and True Identity,” para sa banal na misa sa 2026 Strategic Planning ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na implementing arm ng kumisyon noong Enero 10, 2026.

Paliwanag ni Bishop Caermare, malinaw ang misyon ng bawat lingkod ng Simbahan na hindi ang itaas ang sarili, kundi ang gabayan ang lahat patungo kay Kristo.

“Together with our readings, invites us to reflect deeply on identity, prayer, and humility. It reminds us that our true identity before God does not come from entitlement, position, or achievement, but from relationship. We are who we are because of our relationship with God.” Bahagi ng pagninilay ni Bishop Caermare.

Ipinaalala din ng Obispo na ang pananalangin ay hindi paraan upang ipilit sa Diyos ang sariling kagustuhan, kundi isang proseso ng paghuhubog ng kalooban ng tao ayon sa kalooban ng Diyos.

Bilang hamon sa mga opisyal ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, hinikayat ni Bishop Caermare ang masusing pagsusuri sa nilalaman ng kanilang mga panalangin at hangarin sa paglilingkod.

“Scripture tells us that we may ask God with confidence—but always according to His will, not our own. Prayer, therefore, is not about bending God to our desires. Rather, it is about allowing God to bend our desires to His will. This is why the Lord taught us to pray, “Thy will be done.” True prayer forms humility within us.” Dagdag pa ni Bishop Caermare.

Nagbabala rin si Bishop Caermare laban sa entitlement sa loob ng paglilingkod, lalo na sa mga tungkulin at gawain na hindi umaayon sa personal na pagnanais o ambisyon ng isang indibidwal.

Nag-alay naman ng pasasalamat ang mga opisyal ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas (SLP) para sa paggabay ng Panginoon sa kanilang misyon kasabay ng pasasalamat sa panibagong sigla at lakas ng loob na ibinibigay ng Panginoon upang yakapin ang misyong ipinagkatiwala sa kanila; upang palakasin at bigyang-kapangyarihan ang mga Pilipinong layko na ipamuhay ang pananampalataya nang may tapang, galak, at pananagutan sa gitna ng mundo.

Panalangin din ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na patuloy na manguna ang Espiritu Santo upang magkaisa ang kanilang mga puso at mag-alab ang kanilang mga plano sa pagmamahal sa Simbahan at sa sambayanang Pilipino.

Ang 2026 Strategic Planning ng SLP ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng Simbahan na paigtingin ang papel ng mga layko bilang katuwang ng mga pastol sa misyon ng ebanghelisasyon, pagbabagong panlipunan, at pagtataguyod ng kabutihang panlahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 43,025 total reads

 43,025 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 128,389 total reads

 128,389 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 175,126 total reads

 175,126 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 222,998 total reads

 222,998 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 324,970 total reads

 324,970 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top