8,317 total views
Hinikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippine Episcopal Commission on Social Communication (CBCP-ECSC) ang mga lumahok sa kakatapos na National Catholic Social Communications Convention (NCSCC) na isabuhay ang mga katuruan na ibinahagi para harapin ang hamon ng Artificial Intelligence.
Ayon kay CBCP-ECSC chairman Boac Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit, gamitin ang makabagong teknolohiya higit na ang Artificial Intellegence sa mabuting paraan katulad ng pagpapalaganap ng pananampalataya sa Panginoon.
Bukod sa pasasalamat, hinimok ng Obispo ang mga participant sa NCSCC na paigtingin ang pagsusulong ng katotohanan gamit ang AI.
“The last day means the first day also because after all the dicsussions, reflections, sharings, the next one is the challenge of living our mission, and that is I think, the more difficult part, so my message is: you already know the mission, now we need to become missionaries,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bishop Maralit.
Umaasa naman si Father Ilde Dimaano – Executive Secretary ng CBCP-ECSC na maisabuhay ng 250-participants ang mga natutunan sa convention nsa kani-kanilang diyosesis at religious organization.
“Halos lahat po ay nagpaunlak sa mga paanyaya po ng ECSC, ng Episcopal Commission on Social Communications, ang gagaling po ninyo. Maraming-maraming salamat po, sobrang daming natutunan ng ating mga participants, mga delegates, pero syempre ang hamon po, katulad ng sinasabi po ng ating Episcopal Chair ng Commission, Bishop Junie Maralit, ngayon, kung paano gagamitin ang mga natutunang ito, ngayon nagsisimula,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Dimaano.
Hinimok ni Father Ilde ang mga NCSCC particpants na huwag magpaalipin sa AI bagkus linangin ang kaalaman upang epektibo itong magamit sa evangelization.
Inaasahan ni Bishop Maralit na patuloy na palalimin ng mga kabataang catholic social communicators ang pananampalataya at patnubay ni Hesus sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa pagpapalaganap ng mabuting balita.
Sa tala, 250- ang lumahok sa NCSCC mula sa 58-Diyosesis at anim na religious organizations sa bansa.