VeritasPH

The Word, The Truth

Gamitin ang sampung utos ng Panginoon na gabay sa pagboto.

SHARE THE TRUTH

 803 total views

Ito ang paalala ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, former President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa kanyang pagninilay sa mga dapat tandaan sa pagpili, at pagboto ngayong darating na 2019 Midterm elections.

Ayon sa Arsobispo, ang eleksyon at pagboto ay hindi lamang pananagutang makabayan kun’di pananagutang makadiyos na nangangailangan ng pananalangin at taimtim na pagsusuri sa mga kandidato.

Nilinaw ni Archbishop Villegas na hindi nagsasabi o nagdidikta ang mga Obispo kung sino ang dapat na iboto, bagkus ang mga ito ay tumutulong at gumagabay lamang upang maging malinaw para sa mga Filipino ang katangiang kanilang dapat hanapin sa mga nagnanais maglingkod sa bayan.

“Ang eleksyon ay hindi lamang pananagutang makabayan, ang pagboto ay pananagutang maka Diyos… Kailangan po nating magdasal at kailangan nating gamitin ang pamantayan ng Diyos na ibinigay sa atin upang ang ating boto ay maging banal at magpabanal para sa ating bayan.” pahayag ni Archbishop Villegas

1. I AM THE LORD YOUR GOD, YOU SHALL NOT HAVE STRANGE GODS BEFORE ME
Sa unang utos ng Diyos, ipinaliwanag ng Arsobispo na hindi dapat iboto ang isang taong hindi naniniwala sa Panginoon, at ang misyon ay alisin ang relihiyon sa balat ng lupa.

Naniniwala ito na likas sa mga Filipino ang pagiging relihiyoso, kaya naman aniya, hindi rin naman dapat maging hadlang sa pagpili ng kandidatong iboboto ang pagkakaiba- iba ng relihiyon.

Ang mga Katoliko, Muslim, at ang nabibilang sa iba pang relihiyon ay maaaring iboto basta’t titiyakin lamang ang kanilang kakayahan, karakter at kapatan sa bayan.

2. YOU SHALL NOT TAKE THE NAME OF THE LORD YOUR GOD IN VAIN
Sinabi ni Archbishop Villegas na ipinapaalala sa ikalawang utos ng Diyos na kilatisin ang mga pangakong binibitawan ng mga kandidato.

Aniya, madulas mangako ang mga kandidato sa panahon ng pangangampanya kaya naman mahalagang matingnan ang mga bagay na tunay na nagawa na nila para sa bayan.

Bukod dito, kinakailangang kilatisin din ng mamamayan ang mga salitang binibitawan ng mga tumatakbo bilang lingkod bayan, ang kanilang asal sa pagsasalita, at ang paggamit sa kapangyarihan at kalayaan sa pagpapahayag.

3. REMEMBER TO KEEP HOLY THE LORD’S DAY
Sa ikatlong utos ng Diyos, hinimok ng Arsobispo ang mamamayan na hanapin ang tao o kandidatong marunong sumandal sa awa ng Diyos at hindi ginagamit ang panalangin upang makakuha ng boto.

“Ang isa po sa dapat nating tingnan ay yung sinasabing tyranny of performance, na kilos nalang ng kilos, kita nalang ng kita, gawa nalang ng gawa subalit hindi na binibigyan ng pagkakataon ang sarili na makapagpahinga at makinig sa salita ng Diyos. Remember to keep holy the Lord’s Day, iginagalang ba n’ya ang karapatan ng mga mahihirap ng mga mahihina na makapagpahinga rin sa araw ng Panginoon? Hanapin po natin ang mga kandidatong ito na gumagalang sa Panginoon, hindi ginagamit ang Panginoon, at marunong magtiwala sa Panginoon, sapagkat nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.” Pahayag ng Arsobispo.

4. HONOR YOUR FATHER AND YOUR MOTHER
Hanapin ang mga kandidatong may paggalang sa nakatatanda, mahihina, at sa pamilya.

Naniniwala ang Arsobispo na hindi salat ang Pilipinas sa mga karapat-dapat na mamuno sa bayan, kaya naman ang realidad ng Political Dynasty ay mahalagang maging batayan rin sa pagpili ng mga iboboto ngayong halalan.

5. THOU SHALL NOT KILL
“Banal ang buhay ng tao, at ang sinumang hindi gumagalang sa buhay ng tao ay lapastangan sa Diyos, at ang lapastangan sa Diyos balang araw, lapastangan din sa ating lahat.” Pahayag ni Archbishop Villegas

Umapela si Archbishop Villegas sa mga Filipino na huwag iboto ang mamamatay tao, walang paggalang sa buhay, at ang pagtingin sa mga kriminal ay hindi tao kun’di hayop.

Dagdag pa niya mahalaga din na matukoy ang posisyon ng mga kandidato sa abortion, at death penalty.

6. THOU SHALL NOT COMMIT ADULTERY
“Kung ang isang kandidato ay hindi kayang maging tapat sa iisang asawa, paano s’ya magiging tapat sa kaisa-isang bayan?”

Ito ang pagninilay ng Arsobispo sa ikaanim na utos ng Diyos.

Kaakibat na mga usapin na mahalaga ring mapagnilayan sa ikaanim na utos ang usapin ng lipunan sa sekswalidad, ang same sex marriage, abortion, divorce, at karapatan ng mga bata.

7. THOU SHALL NOT STEAL
Sa ikapitong utos ng Diyos, hinimok ni Archbishop Villegas ang mga botante na pumili hindi lamang ng mga hindi magnanakaw kun’di ang mga tunay na tapat sa kaban ng bayan.

Naniniwala ito na pinaka mabigat na suliranin ngayon sa Pilipinas ay ang kurapsyon, dahil karaniwan nang yumayaman ang mga pulitikong nalalagay sa posisyon sa gobyerno.
Bukod sa mga salaping direktang ninanakaw sa kaban ng bayan, sinabi rin ng Arsobispo na “ang pagwawaldas ng kalikasan ay pagnanakaw sa mga salinlahi ng Pilipino sa mga darating pang taon.”

8. YOU SHALL NOT BEAR FALSE WITNESS AGAINST YOUR NEIGHBOR.
Ang sinungaling ay kapatid ng magnanakaw.

Ito ang binigyang diin sa ikawalong utos ng Diyos, kaugnay sa paglaganap ng mga fake news lalo na tuwing nalalapit ang eleksyon.

Pagbibigay linaw ni Archbishop Villegas, mahalagang makitang mabuti ng mga Filipino kung sino ang nagsasabi at nagtatanggol sa katotohan.

“Those who promote fake news put us under slavery. Bumoto tayo ng tama, piliin natin ang totoo, huwag tayong padala sa palusot, sa pasiklab, sa pasimple o sa pambobola hanapin natin kung sino ang totoo. Sino ang ginto hindi ang tanso, sino ang totoo hindi ang fake” pahayag ng Arsobispo.

9. YOU SHALL NOT COVET YOUR NEIGHBOR’S WIFE.
Binigyang diin sa ikasiyam na utos ng Diyos na mahalagang mayroong mataas na pagpapahalaga sa dignidad ng mga kababaihan ang isang kandidato.

Sinabi ng Arsobispo na kung ang isang kandidato ay nanggagamit ng kababaihan, mababa ang pagtingin sa kanila, at sinasamantala ang kanilang kahinaan, ito ay hindi dapat pagtiwalaan sa mga mas malalaking bagay.

10. YOU SHALL NOT COVET YOUR NEIGHBOR’S GOOD.
“Hindi tayo pwedeng pumili ng isang kandidatong natira na lamang kasi pinatay na niya ang kan’yang kalaban, natira na lamang s’ya kasi sinira na n’ya ang pangalan ng lahat ng kan’yang kalaban” Pahayag ng Archbishop Villegas sa ika-sampung utos ng Diyos

Nanawagan ang Arsobispo sa mga kandidato na wakasan na ang inggit, galit at karahasan na humahantong sa pagpaslang sa kanilang kapwa kandidato.

Naninindigan si Archbishop Villegas na ang kandidatong nananalo dahil sa pagsira sa kan’yang kapwa kandidato ay hindi ang pinunong nais ng Panginoon para sa bayan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 820 total views

 820 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 16,806 total views

 16,806 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 24,851 total views

 24,851 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 29,931 total views

 29,931 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 35,637 total views

 35,637 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Taong walang pananampalataya, hindi magkakamit ng kaligtasan

 37,832 total views

 37,832 total views Maringal na ipinagdiwang ng mananampalataya ang kapistahan ng mahal na birhen ng Santissimo Rosaryo La Naval de Manila sa kabila ng malakas na ulan at limitadong bilang ng maaaring makapasok sa simbahan noong ika-11 ng Oktubre 2020. Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng banal na misa sa National Shrine of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 37,615 total views

 37,615 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine of Mount Carmel, Broadway Avenue, New Manila, noong ika-15 ng Agosto sa gitna ng implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine. Ito ay matapos igawad ng Santo Papa sa pamamagitan na

Read More »
Circular Letter
Veritas NewMedia

Circular Letter: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC

 37,610 total views

 37,610 total views Circular 2020 – 24 15 August 2020   TO: ALL CLERGY IN THE ARCHDIOCESE OF MANILA RE: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC   Dear Reverend Fathers: Greetings in the Lord! The parishes under the patronage of San Roque (Blumentritt, Pasay, Mandaluyong, Sampaloc) led by their pastors Reverend Fathers Antonio B. Navarete,

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

Joint Pastoral Message of CBCP ECS and ECCCE

 154,189 total views

 154,189 total views Lord What Must We Do? (Mark 10:17) Joint Pastoral Message on Covid19 to Teachers, Educators, Seminary Professors and Seminarians and the Catholic faithful at the opening of the school year Brothers and sisters in Christ: In the midst of the pandemic agitating us to restlessness and fear, we greet you “Peace be with

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese of Cubao: WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE

 154,141 total views

 154,141 total views Bishop’s Pastoral Letter on the Suspension Of Public Masses From Aug. 3-14. Diocese of Cubao August 2, 2020 WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE My dear people of God in the Diocese of Cubao, In recent days, we have seen the alarming and sustained increase of Covid-19 cases in the country. Most

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Patuloy na magtiwala sa Diyos, sa kabila ng Covid-19

 37,783 total views

 37,783 total views July 17, 2020-12:48pm Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel noong ika-16 ng Hulyo sa Project 6, Quezon City. Inilarawan ng Obispo ang kapistahan na hindi pangkaraniwan sapagkat ang lahat ay nakasuot ng facemask, at pinananatili ang social distancing sa lahat ng mga dumalo

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

70-taong anibersaryo, ipagdiriwang ng Immaculate Conception cathedral of Cubao

 37,682 total views

 37,682 total views July 16, 2020, 1:38PM Ipagdiriwang ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang ika-70 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang parokya sa ika-15 ng Hulyo, sa gitna ng implementasyon ng General Community Quarantine sa Quezon City. Ang selebrasyon ay kasabay ng muling pagdaraos ng simbahan ng banal na misa kasama ang publiko. Ito ay

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

CBCP Circular RE: LITURGICAL GUIDELINES IN “NEW NORMAL” CONDITION

 123,903 total views

 123,903 total views RECOMMENDATIONS AND GUIDELINES FOR THE LITURGICAL CELEBRATION IN “NEW NORMAL” CONDITION We need the Lord – the Bread of Life – in the Holy Eucharist! The Holy Eucharist is central and essential to the life of the Church and to the life of each individual believer. It is in this context that we

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sangguniang Laiko: Statement of Affirmation and Appeal

 37,507 total views

 37,507 total views Statement of Affirmation and Appeal Goodness is an Overflow of God’s Goodness to Us! The Sangguniang Laiko ng Pilipinas affirms and congratulates the Inter-Agency Task Force for its hard work and effort in stemming the tide of the Pandemic Virus. We are highly cognizant of the measures it has implemented to address the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 31,271 total views

 31,271 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from Episcopal Conferences, this Congregation now offers an update to the general indications and suggestionsalready given to Bishops in the preceding decree of 19 March 2020. Given that the date of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese ng Cubao, naglabas nang panuntunan sa pagdiriwang ng Mahal na Araw

 28,770 total views

 28,770 total views March 26, 2020-2:18pm Naglabas na ng guidelines ang Diyosesis ng Cubao kaugnay sa nalalapit na mga Mahal na Araw, habang patuloy na umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa pandemic na Coronavirus Disease. Magiging simple ang lahat ng selebrasyon ng mga banal na misa at mananatili itong pribado, o hindi

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Banal na misa sa Diocese of Cubao, kanselado.

 28,787 total views

 28,787 total views Kanselado na ang mga banal na misa para sa publiko sa Diyosesis ng Cubao kaugnay sa patuloy na pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19. Sa liham pastoral ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco, inihayag nitong kinakailangang sundin ng simbahan ang Community Quarantine na ipatutupad ng pamahalaan. Simula bukas, araw ng Sabado, ika-14 ng Marso,

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Gawain sa Immaculate Conception cathedral of Cubao, suspendido ngayong kuwaresma.

 28,768 total views

 28,768 total views March 10, 2020, 10:41AM Pansamantalang ipagpapaliban ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang mga gawain nito ngayong kuwaresma bilang bahagi ng pag-ingat sa paglaganap ng Corona Virus Disease sa bansa. Ayon kay Fr. Dennis Soriano, Rector at Parish priest ng katedral, napagpasyahan ng Parish Pastoral Council na ihinto muna ang Stations of the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Talikdan ang kasalanang sumisira sa buhay ng tao.

 28,795 total views

 28,795 total views February 22, 2020 2:58PM Ito ang hamon ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa pagsisimula ng panahon ng kuwaresma ngayong Ash Wednesday. Ayon sa Obispo, ito ang hudyat ng mahaba at mahalagang paglalakbay ng mga mananampalataya para sa Paschal Triduum o ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na pundasyon ng pananampalatayang

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sundin ang safety precautions sa COVID-19.

 28,692 total views

 28,692 total views Nagpaalala ang Obispo ng Diocese of Cubao sa mga simbahan at mananampalataya na gawin ang mga safety precautions na inilatag ng Catholic Bichops Conference of the Philippines laban sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 Ayon kay Bishop Honesto Ongtioco, hindi dapat ipagsawalang bahala ang banta sa kalusugan ng COVID-19 subalit hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top