Gamitin ang takot upang kumilos para sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 432 total views

Mga Kapanalig, nababahala ka ba sa mga epekto ng climate change?

Ayon sa 2021 World Risk Poll, isang survey na isinagawa ng Lloyd Register Foundation tungkol sa mga pananaw at karanasan ng mga tao sa mga panganib, ang masasamang epekto ng climate change ang pinakakinatatakutan ng mga Pilipino. Halos 70% ng Pilipinong sumagot sa survey ang nagsabing labis silang nababahala sa mga epektong dala ng climate change. Ito ay 33% na mas mataas sa global average. Dagdag pa rito, 62% ng Pilipinong sumagot sa survey ang may kakilalang naapektuhan ng epekto ng climate change katulad ng mapaminsalang baha at matinding tagtuyot. Ngayon ngang panahon ng tag-ulan, marami na nga tayong mga kababayang nalubog sa baha o natabunan ng landslide ang kanilang mga bahay at kabuhayan.

Sa kabuuan, mayorya ng mga Pilipinong sumagot sa survey ang naniniwalang malaking banta sa bansa ang climate change. Hindi na ito nakagugulat sapagkat halos 20 bagyo ang dumaraan sa ating bansa kada taon. Tayo rin ang nakaranas ng pinakamalalakas na bagyo na naitala sa kasaysayan. Nariyan ang Typhoon Haiyan o Yolanda noong 2013, Typhoon Goni o Rolly noong 2020, at Typhoon Rai o Odette noong nakaraang taon lamang. Hindi lamang pinsala sa ari-arian, agrikultura, at mga imprastraktura ang ninakaw ng malalakas na bagyong ito. Buhay ng tao ang nalalagay sa panganib.

Nitong nakalipas na mahigit dalawang taon, nagdurusa rin tayo at ang buong mundo sa COVID-19. Nariyan pa ang pagkalat ng monkeypox na kamakailan lamang ay na-detect na rin sa bansa. Iniuugnay ng mga eksperto ang pag-usbong ng mga sakit na ito sa climate change. Anila, patuloy na lilitaw ang matitinding sakit katulad ng COVID-19 at monkeypox kung hindi mapipigilan ang climate change.

Sa kabila nito, hindi pa rin nararamdaman ang agarang aksyon ng mga lider ng ating bansa at ng international community upang tugunan ang climate change. Noong unang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, bagamat binigyang-diin niya ang kahalagahan ng paggamit ng mas malinis na renewable energy, mayroong mga environmental groups ang nakulangan sa mga konkretong hakbang upang gawin ito. Ikinabahala rin nila ang pagbabanggit ng pangulong sa nuclear powerplants. Samantala, matapos ang paglalatag ng mga pandaigdigang kasunduan katulad ng Paris Climate Agreement noong 2015 at Glasgow Climate Pact noong isang taon, marami pa ring mga pangakong aksyon ang kailangang isakatuparan.

Naniniwala ang ating Simbahang hamon para sa sangkatauhan ang pangangalaga sa ating iisang tahanan o common home. Tungkulin ng bawat isa sa atin ang alagaan ang kapaligiran. Ganito ang sinasabi sa Genesis 2:15: “Kinuha ng Panginoong Diyos ang tao at iniligay siya sa halamanan ng Eden, upang kanyang alagaan at ingatan.” Pangunahin ang papel ng pamahalaan at pakikiisa ng mga bansa upang tiyaking naaalagaaan at naiingatan natin ang kalikasan. Kailangan ang mga patakaran at konkretong hakbang upang maisakatuparan ang tungkulin natin sa ating iisang tahanan.

Ang climate change ay sintomas ng pagtangis ng ating kalikasan. Bumabalik sa atin ang kapabayaan natin sa ating tungkuling pangalagaan ito sa tuwing may malalakas na bagyo, matinding pagbaha, at nakamamatay na tag-init. Labis na nagdudulot sa atin ng takot ang mga peligrong dala ng climate change, at ito na ang imbitasyon upang pagnilayan natin ang pagtrato natin sa mga biyaya ng kalikasan. Paano tayo kumukonsumo? Nag-aambag ba tayo sa kulturang nagtatapón?

Mga Kapanalig, paalala nga sa Catholic social teaching na Laudato Si’, bawiin natin ang paniniwalang kailangan natin ang isa’t isa, kasama ang sanilikha, at lahat tayo ay responsable sa ating kapwa at sa buong mundo. Nawa’y itulak tayo ng ating mga takot na kumilos upang pangalagaan ang iisa nating tahanan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Financial Inclusion

 5,926 total views

 5,926 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »

Benepisyo ng Digital Technology

 10,171 total views

 10,171 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »

Alin ang mas matimbang?

 17,086 total views

 17,086 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »

Kultura ng pagpapanagot

 32,464 total views

 32,464 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »

Maging tapat sa taumbayan

 44,888 total views

 44,888 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 5,927 total views

 5,927 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 10,172 total views

 10,172 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 17,087 total views

 17,087 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 32,465 total views

 32,465 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 44,889 total views

 44,889 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Farm lots

 56,009 total views

 56,009 total views Kapanalig, usong uso na ang farm lots sa ngayon. Kapag sumilip ka sa social media, ang daming nagbebenta ng mga lupang agrikultural. May mga mahal, may mga mura. May mga rights lang na tinatawag, may mga may titulo o certificates. Madami ang nais bumili, kapanalig, kaya nga’t tumataas ng tumataas ang halaga ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wage Gap

 57,215 total views

 57,215 total views Kapanalig, ang ganda ng achievement ng Pilipinas pagdating sa gender equality in education. Sa larangan kasi ng edukasyon, equal na o pantay na ang access ng babae at lalake. Sana hindi natin masayang ito kapanalig. Malaking milestone na ito pagdating sa gender issues sa ating bayan. Kaya lamang pagtapos makapag-aral ng maraming kababaihan,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Equality

 67,206 total views

 67,206 total views Kapanalig, ang gender equality sa Pilipinas ay isa sa mga hinahangaan sa Asya. Itong 2023, pang 16 pa nga ang bayan sa 146 countries sa buong mundo pagdating sa gender equality, ayon sa Global Gender Gap Index Report. Pang 19 tayo dito noong 2022. Tayo ang pinaka gender equal sa Asya. Apat na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bigyang-pansin ang pagpapabakuna

 52,591 total views

 52,591 total views Mga Kapanalig, ang inyong mga anak, gaya ng sabi sa Mga Awit 127:3, ay mga pagpapalang kaloob ni Yahweh. Bilang mga regalong galing sa ating Diyos, paano ninyo ipinakikita ang pagpapahalaga sa inyong mga anak? Siguro, ang pinakamadaling sagot dito ay ang pagbibigay ng kanilang mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, tirahan, at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive mobility

 67,350 total views

 67,350 total views Mga Kapanalig, simula ngayong linggo, bawal nang dumaan ang mga light electric vehicles (o LEVs) katulad ng e-bikes, e-trikes, at e-scooters sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ang lalabag sa patakarang ito ng MMDA ay pagmumultahin ng ₱2,500. Kukumpiskahin din ang ‘di rehistradong LEV. Hindi natin maikakailang dumarami ang tumatangkilik ng LEVs

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Para sa content?

 57,844 total views

 57,844 total views Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier?  Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kabuhayan sa Bangketa

 77,241 total views

 77,241 total views Ang bangketa ay maraming bagay para sa mga Pilipino. Ito ay daanan, minsan tahanan, at kadalasan, tindahan ng maraming Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay, oo, pati bangketa ay nagiging pwesto na ng maraming maliliit na negosyanteng Pilipino. Ang bangketa kasi ay daluyan ng tao, at kung saan may tao, may benta. Kaya

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Street People

 88,356 total views

 88,356 total views Kapanalig, buksan natin ang ating mga mata. Dito sa Metro Manila, napakarami ng mga Pilipinong sa kalye nananahan, at tinatayang mga 250,000 dito ay mga children in street situations o CISS. Tahakin mo lang ang ilang major roads sa ating bayan, bubungad na agad sila. Mga Pilipinong nasa kalye ang hanapbuhay, at sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Buhay sa Slum Settlements

 92,277 total views

 92,277 total views Madilim. Masikip. Marumi. Ito ay ilan lamang sa mga salitang naglalarawan sa mga slum areas sa ating bayan. Ang mga daanan sa ganitong lugar, motor o tao lamang ang kasya. Nagsasalubong na ang kanilang mga bubong kaya minsan, kahit araw, madilim sa mga eskinita. At dahil malayo sa daanan ng mga garbage collectors,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga katutubong pinaasa at pinalayas

 75,204 total views

 75,204 total views Mga Kapanalig, nagulat at nanlumo ang 44 na miyembro ng tribong Ati sa isla ng Boracay nang palayasin sila sa lupang inakala nilang napakasamay na nila. Linggo ng Palaspas nang dumating ang mga guwardyang naglagay ng mga piraso ng yero upang paligiran ang lupa. Hindi sila pinapasok ang mga katutubo kahit pa namagitan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top