Gamiting inspirasyon ang mga Patron sa panahon ng pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,314 total reads

April 6, 2020, 4:39PM

Ang presensya ng mga patron ay maging inspirasyon sa mga mananampalatayang Kristiyano ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang mensahe ni Rev. Fr. Virgilio Ramos, ang Parish Priest ng San Pascual Baylon Parish sa Bulacan o mas kilalang Obando Church sa isinagawang pag-iikot ng imahen ng tatlong patron ng Parokya noong ika-4 ng Abril.

Ginawa ito bilang panalangin upang ipag-adya ang buong bayan ng Obando sa coronavirus disease na lumalaganap ngayon sa buong mundo.

Umaasa ang pari na sa pamamagitan ng mga imahen ng parokya ay maalala ng mamamayan ng Obando ang kanilang pananampalataya sa Diyos sa gitna ng pandemya bunsod ng coronavirus disease.

“Ang pagpuprusisyon ay ginagawa upang maipabatid sa mga mananampalataya ang pananalangin ng aming tatlong patron. Lalo na ngayong panahon ng quarantine na may takot at pangamba. Sa pamamagitan ng mga imahen ng Parokya ay maalala unang una ang Diyos; ang pananampalataya sa Diyos, mas lumalim pa ito. At mas hingin pa ang dasal ng mga patron na ito sa mga nangyayari ngayon.” pahayag ni Fr. Ramos sa Radyo Veritas

Ang Obando Church na nasasakop ng Diyosesis ng Malolos ay may tatlong patron – San Pascual Baylon, Santa Clara ng Asisi, at Mahal na Birhen ng Salambao.

Bago ang pag-iikot ng mga imahen ay pinaalalahanan ng parokya ang mamamayan na huwag lumabas ng kanilang tahanan at sa halip ay dumungaw lamang at magtirik ng kandila tanda ng kanilang panalangin.

Binigyang diin rin ng pari ang kahalagahan ng Social Communication sa buong Simbahang Katoliko dahil sa kanilang patuloy na sakripisyo para maipahatid ang mga misa at sakramento sa pamamagitan ng online platform.

“Sa paghinto ng regular na mga misa at aktibidad ng simbahan, malaking bagay ang ginagampanan ng Social Communication. Pinagdarasal namin ang inyong tiyaga, sipag, at inyong dedikasyon lalo na ang inyong kontribusyon sa panahong ito.” ayon kay Fr. Ramos.

Dizon at Lopez, nagpalitan ng tungkulin

 25,404 total reads

 25,404 total reads Magpapalit ng tungkulin sina Secretary Vince Dizon at Secretary Giovanni Lopez sa Department of Transportation at Department of Public Works and Highways Kinumpirma

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 123,150 total reads

 123,150 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 208,520 total reads

 208,520 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 255,257 total reads

 255,257 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 303,127 total reads

 303,127 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 400,888 total reads

 400,888 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 315,847 total reads

 315,847 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 421,941 total reads

 421,941 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top