Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 454 total views

Homiliya para sa Ika-13 Linggo ng Karaniwang Panahon, Hulyo 2, 2023, Mat 10:37-42

GANTIMPALA ang paksa ng ating pagninilay sa ating mga pagbasa ngayon.

Minsan natatawa ako sa mga “social experiments” na ginagawa sa social media. Masyado kasing tipikal. Halimbawa, may isang mamâ na nagkukunwaring palaboy at nagugutom. Hihingi siya ng pagkain sa isang “homeless” sa may bangketa. Sasabihin naman ng tunay na palaboy dito sa hindi niya alam na nagkukunwari lang na nagugutom—“Pasensya na, brods, ito lang ang meron ako, isang sandwich na binigay din sa akin. Kakainin ko sana ito mamayang tanghali, pero sige, hati na lang tayo.” Pagkatanggap ng nagkukunwari sa kalahating sandwich, biglang maglalabas siya ng 100 dollars at sasabihin niya, dahil sa ginawa mo, bibigyan kita ng higit pa sa binigay mo. Sinusubukan lang kita; hindi naman ako talagang homeless. Iyon pala ang punto ng experiment? (Hindi mo tuloy alam kung sino ba ang ibinibida—ang sarili niya o ang homeless?)

Pero minsan may napanood ako na medyo kakaiba. Sa isang shop ng “Take-out food” o “Food-to-go” naman ang eksena. Papasok ang isang mamâ na nagkukunwari ding nagugutom. Pwede raw ba siyang maki-amot ng isang shawarma, kahit wala siyang pambayad? Sasabihin ng ale, “Sige, ako na ang bahala. Ako na ang magbabayad para sa iyo, kasi tindera lang ako dito.” As usual, pagkatanggap ng mama ng shawarma, sasabihin niya, “Dahil sa ginawa mo, bibigyan kita ng 100 dollars. Hindi naman ako homeless, social experiment lang ito.” Tatanggapin ng babae ang pera pero susuklian siya ng 95 dollars. Sasabihin niya, “May pera ka naman pala, kaya heto ang sukli. Five dollars lang naman ang shawarmang bigay ko sa iyo. Salamat sa gantimpala mo, pero mas gugustuhin kong ibigay mo na lang iyan sa iba, doon sa mas nangangailangan. Ayoko kasing makundisyon na umasa ng gantimpala sa bawat konting act of charity na gagawin ko.”

Paulit-ulit nating narinig sa ating ebanghelyo ang salitang GANTIMPALA. Galing ito sa dalawang salita: GANTI (ibig sabihin ibinabalik) at PAGPAPALA (ibig sabihin, biyaya). Biyayang bumabalik. Nagbigay ka ng biyaya, may bumalik na biyaya. Bahagi ito ng mga habilin ni Hesus sa mga alagad na isinusugo niya sa misyon. Nililinaw muna ni Hesus sa mga alagad na sinusugo niya ang tunay na diwa ng pagmimisyon—na ito’y nagmumula sa karanasan ng biyaya. Sa Ingles, “sense of grace.” Na dahil naranasan mong biyayaan ka ng kabutihan o kagandahang-loob na higit pa sa inaasahan mo o iniisip mong nararapat sa iyo, ngayo’y matututo ka ring magmahal o magmagandang-loob nang higit pa sa inaasahan naman ng iba sa iyo. Ang tawag dito ni San Pablo ay karanasang “siksik, liglig at umaapaw.” Ang pinagpala ay nagpapala.

Sa ating unang pagbasa, nagpakita ng kabutihan ang mag-asawang taga-Shunem sa propetang Eliseo. Pero ang bumalik na pagpapala sa buhay nila ay higit pa sa inaasahan nila. Nagkaanak pa sila sa kanilang katandaan. Ito siguro iyung tinutukoy ni Hesus na gantimpala ng propeta. Pero hindi pa doon natatapos ang kuwento. May mangyayaring trahedya at mamatay ang bata at bubuhayin siyang muli ng Diyos sa pamamagitan ng propeta. Ibig sabihin, hindi lang sinuklian ng kabutihan ang kabutihang pinakita nila sa propeta. Ang biyayang igaganti ng Diyos ay di hamak na higit pa sa kayang iganti ng propeta dahil sugo lang naman siya ng Diyos. Sa hindi nila nalalaman, ang Diyos pala mismo ang pinakitaan niya ng kabutihan. Pwede ba nating mahigitan ang Diyos sa kabutihan niya sa atin? Di ba ganyan din ang kuwento tungkol kina Abraham at Sarah? Na sa hindi nila nalalaman, ito palang mga estrangherong pinakain nila ay mga anghel na sugo ng Diyos?

May isang expression na pinauso ang mga millennials: “LOVE YOU MORE”. Dati nagri-react ako dito, dahil di ba ang tamang sagot sa I LOYE YOU ay “I LOVE YOU TOO”? Pero sa kalaunan na-appreciate ko rin—Oo nga naman, pag minahal ka nang higit pa sa inaasahan mo, matututo ka ring magmahal nang higit pa sa inaasahan ng iba. LOVE YOU MORE nga.

At mukhang ito rin ang sinasabi ni Hesus sa unang bahagi ng ebanghelyo. Kung ang kaya lang nating mahalin ay ang mga nagmahal sa atin tulad ng mga magulang, kapatid o kapamilya, kung ang malasakit natin ay hindi makalampas sa nagmalasakit sa atin o pinagkakautangan ng loob, kung sa bawat kabutihan na gawin natin ay maghintay tayo ng gantimpala, hindi pa nga tayo alagad. Dahil hindi pa tayo natututong umibig, magmahal o magmalasakit nang tulad ni Kristo, na laging lumalampas sa sarili, laging higit pa sa nararapat. Ang matutong magmahal kung paano tayo minahal ng Diyos sa pamamagitan ni HesuKristo- ito ang diwa ng pakikiisa sa kanyang misyon.

Kuhang-kuha ni San Ignacio de Loyola ang diwang ito sa ginawa niyang panalangin. Sabi niya, “Panginoon, turuan mo akong maging bukas-balad. Turuan mo akong maglingkod nang ayon sa nararapat, na magbigay na walang hinihintay na kapalit. Na magpunyagi na hindi umaangal sa mga hirap na daranasin, na magbigay na walang hinihintay na gantimpala. Sapat na sa akin na malaman na kalooban mo ang aking sinusundan.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 15,365 total views

 15,365 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 22,846 total views

 22,846 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 35,986 total views

 35,986 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 41,959 total views

 41,959 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 47,713 total views

 47,713 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 1,181 total views

 1,181 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 1,182 total views

 1,182 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,936 total views

 3,936 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,351 total views

 8,351 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,677 total views

 3,677 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 4,200 total views

 4,200 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,699 total views

 5,699 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,543 total views

 6,543 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,798 total views

 4,798 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 9,011 total views

 9,011 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 8,243 total views

 8,243 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,453 total views

 12,453 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,901 total views

 5,901 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,905 total views

 5,905 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,905 total views

 5,905 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top