Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 190 total views

Homiliya Para sa Pang-siyam na araw ng Simbang Gabi, Biyernes ng Ikaapat na Linggo ng Adbiyento, Lukas 1:67-79

Minsan tinanong ko ang isang obispong nakatatanda nang kaunti sa akin at itinuturing kong isang “role-model”, kung ano ba ang sikreto niya at mukhang kahit gaano kabigat o karami ng mga responsibilidad niya, parang cool lang siya, hindi mukhang “stressed out”. Sabi niya, siyempre DASAL. Pero dasal na may kasama daw na ganitong attitude—“Hindi ko naman trabaho ito; trabaho ng Diyos. Nakikitrabaho lang ako sa kanya. Hindi naman hihinto ang pag-ikot ng mundo pag nakatulog ako, o nagkasakit, o pumalpak, o namatay.”

Parang ganito ang dating sa akin ng mensahe ng mga readings natin ngayon. Sa ating first reading mula sa 2nd book of Samuel, nahihiya daw si King David sa Panginoon dahil siya, bilang hari ng Israel, ay nakatira sa isang palasyo. Pero ang Diyos na hari ng sanlibutan, ang tirahan niya ay isang tolda lamang. Kaya kinausap niya ang propetang si Natan at sinabi sa kanya ang balak niya na ipagtayo ng bahay ang Diyos, isang templo. Sumang-ayon naman ang propeta sa kanya nang ganito, “Isagawa mo ang iyong iniisip dahil ang Panginoon ay sumasaiyo.” (2Sam 7:3)

Pero nang gabing iyon, nagsalita daw ang Panginoon kay propetang Natan at ipinaabot ang mensahe kay Haring David, “Ipagtatayo mo ako ng bahay? Hindi. Baligtad. Ako ang magtatayo ng bahay para sa iyo.” (2Sam 7:5,11) At ang tinutukoy niyang bahay ay ang paghahari ng kanyang angkan na gagawing matatag ng Panginoon at mananatili magpasawalang-hanggan. The eternal house or dynasty of David.

Sa ebanghelyo naman, parang ganito rin ang mensaheng hindi agad pinaniwalaan ni Zacarias at naghintay pa ng siyam na buwan bago niya lubos na naunawaan. Ang buong buhay kasi niya ay naging parang mekanikal na, isang paulit-ulit na gawain sa loob ng templo—katulad ng pag-aalay ng insenso at pagkatay ng mga hayop para sa susunuging handog.

Pero nang sandaling iyon na mabigkas ni Zacarias ang pangalan ng anak niya, binigkas din niya ng isang awit ng papuri (ang Benedictus). Isang pagkilala sa mapagpalang kamay ng Panginoon sa kasaysayan ng kanyang bayan—kung paano niya sila nilingap at pinalaya, kung paano siya nagsugo ng kanyang hinirang na magliligtas sa kanilang bayan mula sa kanilang mga kaaway, kung paano niya tinupad ang pangako niya kay Abraham at kay David, at kung ano ang magiging bahagi o papel ng anak niya sa pagliligtas na gagawin ng Panginoon.

Kung minsan kasi, masyado tayong abala sa gusto nating gawin para sa Diyos, mga plano at proyekto na tayo lang ang may gusto at hindi naman niya hinihingi sa atin. Akala natin ginagawa natin para sa kanya pero para din lang pala sa sarili natin, hindi talaga para sa kanya.

Hindi kaya magpahanggang ngayon, ganoon pa rin ang hinaing ng Diyos laban sa atin? Hindi kaya kung minsan ang Diyos na sinasamba natin ay projection lang ng sariling kagustuhan natin? Hindi kaya talagang inaakala ng marami sa atin na maikukulong nila ang Diyos sa loob ng isang eskaparate, o maikakandado sa loob ng ating mga simbahan? Hindi kaya parang ang mensahe natin sa kanya ay, “Panginoon, diyan ka lang sa loob ng simbahan. Aalayan kita ng bulaklak, titirikan ng kandila, pauusukan kita ng insenso at hahandugan ng mga regalo. Pero diyan ka lang ha, kami na lang ang bahala, huwag mo na lang pakikialaman ang mga buhay namin, ang gawain namin, ang klase ng lipunan na balak naming buuin.”

Ganito rin ang punto ng propeta Isaias nang tawagin niyang walang kabuluhan ang mga ginagawa ng mga tao sa templo. Sa mas simpleng salita, parang ganito ang kanyang sinasabi, “Lumalapit nga kayo sa aking templo upang kumatay ng mga tupa, kambing at baka…habang hinahayaan ninyo paslangin ang inyong kapwa na parang mga hayop! Sino ang may sabing natutuwa ako sa mga ginagawa ninyo? Nasusuklam ako sa pagsamba ninyo. Hindi ko pakikinggan ang panalangin ninyo. Punong-puno ng dugo ang mga kamay ninyo. Maghugas muna kayo ng budhi. Labanan ninyo ang katiwalian, panindigan ang tama at totoo, pumanig sa katarungan, ipagtanggol ang mga kinakawawa, pakinggan ninyo nang may habag ang hinaing ng mga dukha, lalong lalo na ang mga balo at ulila.” (Isaias 1:11-17)

Ito ang gawain ng Diyos. Ito ang kaligtasang hangad niya. Dito tayo magsimula kung ibig nating sambahin ang ngalan niya, mapasaatin ang kaharian niya at sundin ang loob niya.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,891 total views

 5,891 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 19,031 total views

 19,031 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 25,004 total views

 25,004 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 30,759 total views

 30,759 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 38,021 total views

 38,021 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 882 total views

 882 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 883 total views

 883 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,637 total views

 3,637 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,052 total views

 8,052 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,378 total views

 3,378 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,901 total views

 3,901 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,400 total views

 5,400 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,244 total views

 6,244 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,499 total views

 4,499 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,712 total views

 8,712 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,944 total views

 7,944 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,154 total views

 12,154 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,602 total views

 5,602 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,606 total views

 5,606 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,606 total views

 5,606 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top