15,321 total views
Puspusan ang paghahanda ng Archdiocese of Nueva Caceres sa pagdiriwang ng kapistahan ng Nuestra Señora de Peñafrancia sa Setyembre.
Kabilang sa mga gawain na magsisimula sa September 1 ang Walk with Ina, run for Creation sa Our Lady of Penafrancia Minor Basilica and National Shrine, Paglilipat ng imahe ng Divino Rostro mula basilica patungo sa lumang shrine sa September 3, novena ng Divino Rostro mula September 4 hanggang 12; Ina: Power and Intimacy Exhibit sa Holy Rosary Minor Seminary mula September 7 hanggang OCtober 7; Bishop Gainza Trade Fair ng September 12 hanggang 23; September 13 kasabay ng kapistahan ng Divino Rostro ay isasagawa ang traslacion sa imahe ng Mahal na Birhen ng Penafrancia mula basilica patungo sa dating shrine hudyat ng pagsisimula ng nobenaryo hanggang September 21.
Muli ring isasagawa ang Marian Youth Congress sa September 14 hanggang 15 sa Naga Metropolitan Cathedral habang Union of Bicol Clergy naman ng Septamber 17 hanggang 19.
Magkakaroon din ng dawn procession sa imahe ng Divino Rostro at Our Lady of Penafrancia mula September 19 hanggang 21 sa Naga Metropolitan Cathedral.
Sa September 20 pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang banal na misa sa alas kuwatro ng hapon sa Quadricentennial Arch kung saan isasagawa rin ang reenactment ng canonical coronation sa Reyna ng Bicolandia na susundan ng procesion Triunfal para La Reina Celestial Coronada sa alas siyete ng gabi sa mga lansangan sa Naga City.
Sa September 21 ang nakagawiang fluvial procession sa imahe ng Birhen ng Penafrancia bago ang kapistahan ng patrona ng Bicol Region sa September 22.
Muling inaanyahan ng arkidiyosesis ang mananampalataya na makiisa sa at saksihan ang unang sentenaryo ng pagpuputong ng korona sa imahe na ginanap sa Plaza del Seminario de Nueva Cáceres noong September 20, 1924 sa pangunguna noon ni Apostolic Delegate Guglielmo Piani, SDB, na itinalaga ni Pope Pius XI.
Ang kapistahan ng Our Lady of Peñafrancia ang isa sa mga malalaking pista sa Pilipinas kasunod ng Nuestro Padre Jesus Nazareno at Sto. Niño tuwing Enero.