Gawing huwaran ng matatag na pananampalataya ang birheng Maria-Archbishop Lazo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,086 total views

Ang Mahal na Birheng Maria ang pinakanaaangkop na huwaran ng pagkakaroon ng matatag na pananampalataya sa Panginoon ngayong panahon ng pandemya.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Archdiocese of Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo sa Kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel.

Ayon sa arsobispo na bagong halal na chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Clergy, ang pananampalataya ng bawat isa ang kadalasang nasusubok sa oras ng krisis kung saan sinusubok kung papaano haharapin ng bawat isa ang pagsubok at pagbabago.

Ipinaliwanag ni Archbishop Lazo na sa pamamagitan ng malalim at matatag na pananampalataya ay ganap na naipamalas ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang buhay ang pagsunod sa kaloob at naisin ng Panginoon sa kabila ng anumang krisis na kanyang pinagdaanan.

“In this time of pandemic Mary is a good example of looking at our faith, how will be able to respond to this pandemic in faith, especially when our liturgical services for instance or celebrations have been affected by the pandemic. At time of crisis most often our faith is brought to the fore, our faith is being awaken so to say, especially in times of crisis to be able to respond to God’s will what God wants of us, Mary is a very good example of this because her own life was open to crisis, she was able to respond because of her deep faith.”pagninilay ni Archbishop Lazo.

Pagbabahagi ng arsobispo, makikita sa buhay ng Mahal na Birheng Maria ang kahalagahan ng pagkakaroon ng malalim na pananampalataya sa Panginoon.

Kinikilala rin si Maria Bilang ‘Mother of All Missionaries’ na siyang unang nagbahagi ng Mabuting Balita ng Diyos, nagsilbing unang disipilo ng Panginoon at isang ganap na misyunero na sumunod sa plano ng Diyos para sa kanyang buhay.

Iginiit ni Archbishop Lazo na dapat gawing huwaran ng bawat isa ang Mahal na Birheng Maria sa pagkakaroon ng malalim na pananampalataya sa Panginoon na handang harapin at gampanan ang tungkulin na iniatang sa kanyang buhay.

“The events in Mary’s life shows her married mission dynamics, she is considered as Mother of All Missionaries, the first evangelized, the first evangelizer, a disciple, a missionary. If you look at annunciation for instance Mary’s yes was done in faith, Mary’s conception in her faith receives the conception in the flesh, she become more deeply aware of her role in God’s plan she was in mission, this will help us to recognize our own faith, will we be able to accept God’s will and mission in our life, is our faith deep enough to be able to respond like Mary freely to what God wants us as a mission in life.” Dagdag pa ni Archbishop Lazo.

Ang Mahal na Birheng Maria na may titulong Nuestra Señora Del Carmen o Mahal na Birhen ng Carmen ang opisyal na patrona ng mga relihiyoso sa orden ng mga Carmelita.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 98,088 total views

 98,088 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 128,311 total views

 128,311 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 154,960 total views

 154,960 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 249,933 total views

 249,933 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 264,557 total views

 264,557 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top