Pagdaraos ng banal na misa, muling sinuspendi ng Archdiocese of Jaro

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 945 total reads

Muling sinuspendi ng Archdiocese of Jaro ang pagsasagawa ng mga pampublikong banal na misa sa buong arkidiyosesis kasunod ng pagdideklara ng Enhanced Community Quarantine status sa Iloilo City at sa buong lalawigan.

Ayon sa pamunuan ng arkidiyosesis, epektibo ngayong araw ika-17 ng Hulyo ay pansamantala munang ititigil ang pagsasagawa ng mga pampublikong banal na liturhiya sa lahat ng mga parokya sa buong syudad at probinsya ng Iloilo bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19 virus.

Tiniyak naman ng Archdiocese of Jaro ang patuloy na pananalangin para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat isa mula sa patuloy na banta ng COVID-19.

“The Archdiocese of Jaro suspends all public liturgical celebrations in all parishes in the province and city of Iloilo beginning tomorrow, July 17, 2021, until further notice due to the elevation of both Iloilo City and Iloilo Province to Enhanced Community Quarantine status. We continue to pray for the protection of everyone from the continuing scare of the COVID-19 transmission in our communities and in the region.” Ang bahagi ng anunsyo ng Archdiocese of Jaro.

Kaugnay nito, muling isinapubliko ng Archdiocese of Jaro ang mga alituntunin ng arkidiyosesis bilang pagpapaalala sa mahigpit na pagtugon sa mga ipinatutupad na pag-iingat ngayong panahon ng pandemya.

Bagamat muling ipinagbabawal ang pagdalo sa mga banal na liturhiya ng mga mananampalataya ay patuloy namang magsasagawa ng mga banal na misa ang mga Pari habang inaanyayahan ang mga mananampalataya na makibahagi sa pamamagitan ng pagsubaybay sa online livestreaming ng mga ito.

Hinihikayat rin ng arkidiyosesis ang bawat mananampalataya na gamiting isang pagkakataon ang kasalukuyang sitwasyon sa probinsya upang magkaisa ang lahat sa pananalangin ng Santo Rosaryo, Oratio Imperata laban sa COVID-19 at debosyon kay San Roque upang ipag-adya ang lahat at tuluyan ng mawakasan ang pagkalat ng nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Lilimitahan rin ang mga maaring makadalo sa pagdiriwang ng mga sakramento ng binyag at kasal, maging ang misa para sa mga yumao upang maiwasan ang pagtitipon na pinangangambahang maging dahilan ng pagkalat ng virus.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 21,326 total reads

 21,326 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 41,138 total reads

 41,138 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 78,516 total reads

 78,516 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 109,784 total reads

 109,784 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 184,382 total reads

 184,382 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 276,577 total reads

 276,577 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 27,184 total reads

 27,184 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top