Tunay na Kapangyarihan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 594 total views

Kapanalig, kuntento na lamang ba tayo na nanood sa ating mga pinuno habang sila ay walang kahiya-hiyang pumupustura, nagsesermon, nagpho-photo ops, nanlalait, nagmumura, naninira, at nagpe-flex sa mga entablado ng ating mundo ng pulitika? Aba, kung okay lang sa atin yan, maghanda na tayo. Malapit na ang panahon na ganyan na ang kanilang gagawin halos araw-araw. Mag e-eleksyon na, kapanalig, sa susunod na taon.

Ito ngang nakaraang mga araw, ang tatapang na ng ilang mga pulitiko. Nagkaka-gulo sa kanilang mga partido at sila mismo ang nagbabangayan. Mula lokal hanggang nasyonal na mga pulitiko, unti unti na ulit umiingay – pumuposisyon siguro ang iba, naniniguro na kasama sa tiket at mas maraming kaalyado.

Kapanalig, kahit ano pa man ang ingay ng ating mga pulitiko, kahit gaano pa man kataas ang posisyong kanilang naabot, huwag sana nating kalimutan na nasa ating mga kamay ang tunay na kapangyarihan. Minsan, mahirap makita ang katotohanang ito, lalo na kung sasabuyan ng takot ang lipunan, at kalaunan, ang siyang nagsaboy ng takot ay siya ring magpiprisinta bilang bayaning sasagip sa atin. Nakita na siguro natin iyan, hindi ba, sa resulta ng mga nakaarang eleksyon? Asan na ang mga nagprisintang bayani noon? Natupad ba nila ang kanilang mga pangako?

Kapanalig, base sa datos ng COMELEC, umabot ng mahigit kumulang na 61.84  million ang botante sa ating bansa noong 2019. Sa bilang na ito, mahigit 46.9 million ang lumabas para bumoto sa buong bansa. Mahigit 14 million ang hindi nakaboto, na maari sanang nakapagbago ng resulta ng huling eleksyon.

May ilang mga rason kung bakit hindi bumoboto ang maraming Filipino. Sabi ng iba, hindi rin naman nagbabago ang buhay ng mga Filipino kahit bumoto, mahirap pa rin naman tayo. Kapanalig, siguro dama naman natin na mas mahirap na tayo ngayon. At lulusot pa tayo sa butas ng karayom para lamang makawala sa kahirapang ito. Sa tingin mo ba, kung mas marami ang bumoto ng wasto, maghihirap tayo ng gaya ngayon? Hindi man lang natin naisip na sa ating hindi pagboto o dahil sa maling pagboto, mas maari palang lumala pa ang sitwasyon ng bayan.

Huwag sana nating hayaang malugmok ang bansa, natin, kapanalig. Ang ating mga pinuno, mula barangay hanggang nasyonal na lebel, ay nakuha ang kanilang pwesto dahil sa ating boto. At kung palpak ang ating nahalal nitong nakaraang eleksyon, may pagkakataon ulit tayo na mamili ng iba; hindi natin kailangan makuntento sa substandard na serbisyo. We deserve good leaders, kapanalig, kaya we should choose good leaders. Sabi nga sa Gaudium et Spes, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan: All citizens ought to be aware of their right and duty to promote the common good by casting their votes.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 99,896 total views

 99,896 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 130,120 total views

 130,120 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 156,768 total views

 156,768 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 251,741 total views

 251,741 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 266,269 total views

 266,269 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 99,897 total views

 99,897 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 130,121 total views

 130,121 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 156,769 total views

 156,769 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 251,742 total views

 251,742 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top