485 total views
Ang St. Arnold Janssen Kalinga Center ay bunga ng pagnanais na matugunan ang pagdami ng mga mahihirap partikular na ang mga palaboy na walang sariling tahanan sa Kalakhang Maynila.
Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Flavie Villanueva – Founder ng St. Arnold Janssen Kalinga Center kaugnay sa ika-6 na anibersaryo ng pasilidad.
Ayon sa Pari na kasapi ng Society of Divine Word (SVD) congregation, naging posible ang pagtatayo at pagsisimula ng St. Arnold Janssen Kalinga Center sa pamamagitan ng gabay ng Mabuting Salita ng Diyos upang tunay na maisabuhay ang misyon ni Hesus at ng Simbahan na maipadama ang habag at awa ng Panginoon.
“Kalinga was born because of the influx of the poor that we saw, Kalinga was born because by the formation that I got to the Divine Word calls me or asks me how can the Divine Word take flesh in the midst of of the homeless, there are so many people in the world but the homeless people in Metro Manila remain to be the ones neglected and most recently even pushed to the edges,” pahayag ni Fr. Villanueva.
Pagbabahagi ng Pari, may tatlong bahagi ang misyon ng St. Arnold Janssen Kalinga Center na pagbibigay ng pangkabuuan at sistematikong pagpapahalaga sa dignidad ng bawat nangangailangan kabilang na ang pagkakaloob ng pagkain at paglilinis sa katawan upang maibalik ang maayos na self-image ng bawat isa.
Paliwanag ni Fr. Villanueva, mahalaga ring bahagi ng misyon ng pasilidad ay ang pagkakaloob ng alternative learning system at mapagkakakitaan upang muling maibalik ang self-worth ng bawat isa para sa pagkakaroon ng panibagong buhay.
“The mission is simple, to provide dignified, systematic and holistic care to those in the fringes. There are three phases that they go through beginning with food and hygiene because we wish to recreate the self image, if a person is full and clean then livable daily is once again recreated. Phase two is alternative learning system they have formal form of education which is now also popularly known as Arnold Janssen Catholic Mission, from education we wish our mission holistic and that leads towards providing livelihood and employment in order to help them restore to their self worth.” Dagdag pa ni Fr. Villanueva.
Samantala nagpaabot naman ng pasasalamat si Fr. Villanueva sa personal na pakikibahagi ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa pagdiriwang ng ika-6 na anibersaryo ng pagkakatatag ng St. Arnold Janssen Kalinga Center.
Ibinahagi ng Arsobispo ang kanyang paghanga at pagkilala sa lahat ng mga nasa likod at nangangasiwa sa pasilidad na isang kongkretong daluyan ng habag at awa ng Panginoon para sa mga nangangailangan sa lipunan.
Ayon kay Fr. Villanueva, ang pagkilala ng kinatawan ng Santo Papa Francisco sa bansa sa layunin at misyon ng St. Arnold Janssen Kalinga Center ay isang inspirasyon upang ipagpatuloy at higit pang maipalaganap ang nasimulan nitong pagbabahagi ng pagkalinga sa mga nangangailangan sa lipunan lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Taong 2015 ng itinatatag ng Society of Divine Word (SVD) congregation sa pangunguna ni Fr. Flavie Villanueva ang St. Arnold Janssen Kalinga Center upang magkaloob ng tulong para sa mga nangangailanngan lalo na ang mga palaboy sa lansangan na walang permanenteng tirahan sa syudad ng Maynila.
Taong 2016 naman ng sinimulan ni Fr. Villanueva ang “Paghilom” program na naglalayong makatulong at makapagpaabot ng suporta sa lahat ng mga naiwang mahal sa buhay at kapamilya ng mga nasawi sa marahas na implementasyon ng War on Drugs ng pamahalaan.