Human rights advocates, patuloy ang laban kontra Anti-Terrorism Law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 562 total reads

Tiniyak ng mga human rights advocates sa bansa ang patuloy na paninindigan laban sa hindi makatao at hindi makatarungan na Anti-Terrorism Law na isinabatas noong nakalipas na taon.

Ayon kay Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) Secretary General Rose Trajano, ang naturang batas ay tahasang pagbibigay karapatan sa mga otoridad na paratangang terorista ang sinumang indibidwal ng walang katibayan.

Ito ang bahagi ng naging talakayan ng mga human right advocates sa pagbabalik tanaw sa batas kontra terorismo na naaprubahan noong 2020 sa kasagsagan ng krisis na dulot ng COVID-19 pandemic sa bansa.

“Itong batas na ito talaga ay magiging justification para lahat ay pwedeng tawaging terorista. Sa nangyayari ngayon ang lahat ng buong bansa ay pwede na nilang i-designate, i-prescribe na mga terorista ang mga tao,” pahayag ni Trajano.

Iginiit ng Trajano na maituturing na isang instrumento ng paniniil ang Anti-Terrorism Law lalo na laban sa mga kritiko ng pamahalaan na nagbabahagi ng puna at saloobin sa mga maling nagaganap sa lipunan.

“Dito sa batas ng Anti-Terror Act so lahat ngayon ay parang may justification na sila para gawin yung iba’t ibang mga arrest, killings, detention na kahit pa hindi dumadaan sa procedure ng due process ay napagbibintangan na ang lahat ng mga tao at ang nakakalungkot nga napakaraming mga sibilyan ang nagiging biktima din,” dagdag pa ni Trajano.

Sa inilabas na pastoral statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) noong Hulyo ng nakalipas na taon ay nanindigan ang kalipunan ng mga Obispo sa pagtutol sa mapaniil na batas na mabilis na ipinasa sa dalawang kapulungan ng kongreso sa kabila ng mga pagtutol ng iba’t-ibang sektor ng lipunan.

Sa tala ng Korte Suprema may 37-petisyon na inihain ng iba’t ibang mga sektor na kumukwesyon sa legalidad ng Anti-Terrorism Law kabilang na ang petisyon na inihain ng AMRSP bilang kinatawan ng mga relihiyoso at mga layko ng Simbahang Katolika dahil sa paglabag nasabing batas sa Freedom of Religious Expression.

Matatandaang makailang-ulit nang naparatangang kalaban ng pamahalaan ang ilang mga lider ng Simbahan dahil sa pagpuna sa paraan ng pamamahala sa bansa na bahagi naman ng prophetic mission ng mga lingkod ng Simbahan.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 22,312 total reads

 22,312 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 42,499 total reads

 42,499 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 79,877 total reads

 79,877 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 111,145 total reads

 111,145 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 185,662 total reads

 185,662 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 277,792 total reads

 277,792 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 27,320 total reads

 27,320 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top