Gawing makabuluhan ang kuwaresma, paanyaya ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 468 total views

Hinimok ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang mga mananampalataya na gawing makabuluhan ang Kuwaresma upang lumago sa pananampalataya.

Ito ang mensahe ng Obispo ngayong Miyerkules ng Abo bilang pagsisimula ng 40-araw na paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon.

Ayon kay Bishop Ongtioco, ang Kuwaresma ay naaangkop na panahon bilang pagpapaalala na ang tao ay makasalanan at hinihikayat ang bawat isa na taimtim na magnilay at manalangin upang pagsisihan ang mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos.

Bukod dito, hinihikayat din ang mga mananampalataya na mag-ayuno o bawasan ang pagkain nang marami bilang pagsasakripisyo, gayundin na ang matitipid ngayong Kuwaresma ay gamitin sa pagkakawanggawa para sa mga higit na nangangailangan.

“Gamitin po natin ang panahon ng Kuwaresma upang lumago tayo sa pananampalataya sa pamamagitan ng panalangin, pag-aayuno at kawanggawa,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Ongtioco na sa pagsisisi ng tao sa kanyang mga nagawang kasalanan, tinatalikuran nito ang kasamaan at tinatahak ang tuwid na pamumuhay bilang mabuting tagasunod ng Panginoong Hesukristo.

“Tayo ay laging inaanyayahan ng Panginoon na magbalik loob sa kanya. Kanyang tuwa na lagi tayong kapiling sa matuwid na pamumuhay at naglalakad sa gabay ng Espiritu Santo,” ayon sa Obispo.

Inaasahan naman ng simbahan na sa paggunita ng  Mahal na Araw ay magbabalik na rin ang mga nakagawian tulad ng prusisyon at ang tradisyunal na ‘Pabasa ng Pasyon’ ngayong pinahintulutan na sa mga lugar na sakop ng COVID-19 alert level 1 status  ang 100-porsyentong kapasidad sa religious gatherings.

Paalala naman ni Bishop Ongtioco sa mga mananampalataya ang ibayong pag-iingat at patuloy na pagsunod sa minimum public health standards upang mapanatili ang kaligtasan laban sa virus.

“Kahit na nasa alert level 1 na tayo, mag-ingat pa rin ang lahat at sumunod sa mga protocol para sa ating kalusugan and protection ng bawat isa,” paalala ni Bishop Ongtioco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 2,242 total views

 2,242 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 2,242 total views

 2,242 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 2,242 total views

 2,242 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 2,186 total views

 2,186 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 1,967 total views

 1,967 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top