Corruption, tututukan ni Robredo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 722 total reads

Kinakailangang tutukan ng bagong administasyon ang paglaban sa korupsyon.

Ito ang inihayag ni Vice President Maria Leonor Robredo na tumatakbo sa pagkapangulo sa 2022 National and Local elections.

Iginiit ni Robredo na bilang unang executive order ay isusulong ang ‘full disclosure order’ sa lahat ng mga transaction sa pamahalaan.

INSUGENCY

Hindi mabibigyang tugon ang suliranin ng bansa laban sa mga naghihimagsik laban sa pamahalaan o insurgency sa pamamagitan ng militarisasyon.

Ayon kay presidentiable, Vice-president Maria Leonor Robredo, sa halip ay kinakailangan munang tukuyin ang dahilan ng pag-aaklas para sa karampatang tugon at tulong ng pamahalaan.

Ipinaliwanag pa ni Robredo na iba’t iba ang dahilan ng pag-aaklas sa mga lalawigan sa Pilipinas kaya’t hindi naayon na maging tugon ang armas o ang militar.

“Kailangan ang whole-of-nation approach at people-centered approach. Ano ang gusto nitong sabihin, sa pagsugpo ng insurgency, kapag alam na natin ang root cause dapat buhusan ng programa at tulong ng pamahalaan ang mga communities na may problema,” ayon kay Robredo.

Ganito rin ayon kay Robredo ang layunin ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) bagama’t tutol siya sa ‘red tagging’ na naglalagay sa panganib sa ilang grupo at indibidwal na tumutulong sa mga komunidad.

Matatandaang kabilang din sa mga pinaratangan bilang mga kaanib ng makakaliwang grupo ay ilang mga pinuno ng simbahan na kilang kritiko ng kasalukuyang administrasyon.

DEATH BILLS
Naniniwala din si Robredo na kinakailangan ng sambayanan na mapakinggan at magsilbing Pangulo ng buong bayan at hindi lamang ng iilan.

Binigyan diin pa ni Robredo ang pagtutol sa aborsiyon, diborsyo at death penalty ay hindi maaring ipilit ang kaniyang paniniwala kundi kinakailangan pakinggan ang iba’t ibang ‘tinig’ ng sambayanan.

“Meaning to say, kahit kontra ako sa divorce, kahit kontra ako sa abortion, death penalty, obligasyon ko na siguruhin na ‘yung divergent voices ay mapapakinggan. That is not to say na magpapa-impluwensya ako. Pero kailangan na meron silang papel…ang gobyerno pinapakinggan yung iba’t ibang pinanggagalingan, whether katoliko sila o hindi,” ayon kay Robredo.

Si Robredo ang ika-pitong presidentiable na naging panauhin sa Catholic E-Forum na mapapakinggan at mapapanood Lunes hanggang Biyernes ganap na ika-walo ng umaga.

Layunin ng talakayan ang ipakilala sa mga botante ang mga kandidato at plataporma para sa matalinong pagpili ng mga pinuno na nais na maglingkod sa pinakamatataas na posisyon sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 10,358 total reads

 10,358 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

DOUBLE CRISIS

 251,358 total reads

 251,358 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 283,071 total reads

 283,071 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 384,898 total reads

 384,898 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 425,443 total reads

 425,443 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top