Gawing makabuluhan ang kuwaresma, paanyaya ng Obispo sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 545 total reads

Hinimok ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang mga mananampalataya na gawing makabuluhan ang Kuwaresma upang lumago sa pananampalataya.

Ito ang mensahe ng Obispo ngayong Miyerkules ng Abo bilang pagsisimula ng 40-araw na paghahanda sa pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon.

Ayon kay Bishop Ongtioco, ang Kuwaresma ay naaangkop na panahon bilang pagpapaalala na ang tao ay makasalanan at hinihikayat ang bawat isa na taimtim na magnilay at manalangin upang pagsisihan ang mga kasalanan at magbalik-loob sa Diyos.

Bukod dito, hinihikayat din ang mga mananampalataya na mag-ayuno o bawasan ang pagkain nang marami bilang pagsasakripisyo, gayundin na ang matitipid ngayong Kuwaresma ay gamitin sa pagkakawanggawa para sa mga higit na nangangailangan.

“Gamitin po natin ang panahon ng Kuwaresma upang lumago tayo sa pananampalataya sa pamamagitan ng panalangin, pag-aayuno at kawanggawa,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Ongtioco na sa pagsisisi ng tao sa kanyang mga nagawang kasalanan, tinatalikuran nito ang kasamaan at tinatahak ang tuwid na pamumuhay bilang mabuting tagasunod ng Panginoong Hesukristo.

“Tayo ay laging inaanyayahan ng Panginoon na magbalik loob sa kanya. Kanyang tuwa na lagi tayong kapiling sa matuwid na pamumuhay at naglalakad sa gabay ng Espiritu Santo,” ayon sa Obispo.

Inaasahan naman ng simbahan na sa paggunita ng  Mahal na Araw ay magbabalik na rin ang mga nakagawian tulad ng prusisyon at ang tradisyunal na ‘Pabasa ng Pasyon’ ngayong pinahintulutan na sa mga lugar na sakop ng COVID-19 alert level 1 status  ang 100-porsyentong kapasidad sa religious gatherings.

Paalala naman ni Bishop Ongtioco sa mga mananampalataya ang ibayong pag-iingat at patuloy na pagsunod sa minimum public health standards upang mapanatili ang kaligtasan laban sa virus.

“Kahit na nasa alert level 1 na tayo, mag-ingat pa rin ang lahat at sumunod sa mga protocol para sa ating kalusugan and protection ng bawat isa,” paalala ni Bishop Ongtioco.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 9,835 total reads

 9,835 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 91,238 total reads

 91,238 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 185,463 total reads

 185,463 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 245,953 total reads

 245,953 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 259,374 total reads

 259,374 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 70,096 total reads

 70,096 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top