Mamamayan, pinag-iingat sa banta ng COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 492 total views

Pinaalalahanan ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga mananampalataya na patuloy na mag-ingat bagamat ibinaba na sa alert level 1 ang COVID-19 status sa Metro Manila at ilang lalawigan.

Ayon kay CBCP – Central Luzon Regional Representative Balanga Bishop Ruperto Santos, marapat lamang na ipagpasalamat sa Diyos na unti-unti nang humuhupa ang kaso ng COVID-19 sa bansa na patunay na malapit nang makamtan ang ganap na kaligtasan laban sa virus.

Ngunit, sinabi ni Bishop Santos na hindi pa rin dapat makampante ang publiko at sa halip ay patuloy pa ring sundin ang mga panuntunang ipinapatupad ng pamahalaan upang maiwasan ang hawaan.

“Subalit huwag po tayong magpabaya at huwag maging kampante. Ipagpatuloy pa rin natin ang ating pag-iingat, sumunod pa rin sa IATF protocols,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Hinimok din ng Obispo ang bawat isa na patuloy lamang na manalangin bilang gabay tungo sa tuluyang pagbuti ng bansa at ganap nang makamtan ang kaligtasan laban sa pandemya.

“Ipagpatuloy din natin ating pananalangin upang tuluyan nang mawala ang COVID, at tayong lahat ay talagang maging ligtas,” dagdag ng Obispo.

Maliban sa Metro Manila, kabilang ang lalawigan ng Bataan sa mga lugar na isinailalim sa alert level 1 mula sa alert level 2 status dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Sa umiiral na alert level status, maaari nang makapagsagawa ng mga pampublikong pagdiriwang na mayroong 100-porsyentong kapasidad tulad ng banal na Misa at iba pang religious gatherings.

Batay naman sa huling tala ng Department of Health, nasa mahigit 51-libo na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 10,943 total views

 10,943 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 39,294 total views

 39,294 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 107,024 total views

 107,024 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 130,175 total views

 130,175 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 199,586 total views

 199,586 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top