Pananakop ng Russia sa Ukraine, kinondena ng Stella Maris Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 727 total reads

Mariing kinundena ng Stella Maris Philippines ang digmaang dulot ng pananakop ng Russia sa Ukraine.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, Bishop promoter ng grupo na buong pamayanan ang apektado ng digmaan at walang maidudulot na kabutihan sa lipunan.

“There are no victors in war, all are victims. War is cruelty all are lost in war, all suffers. It is scourge to humanity and it is just death and destruction,” pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radio Veritas.

Apela ni Bishop Santos sa mga lider lalo na sa international community na magtulungang kumilos para mahinto ang sigalot ng Russia at Ukraine at maiwasan ang labis na pinsala lalo na sa ekonomiya hindi lamang sa dalawang bansa kundi ng buong daigdig.

Sinabi ng opisyal na malaking epekto sa kalakalan ng mundo ang tensyon ng dalawang bansa kaya’t labis ang pinsalang maidudulot nito sa ekonomiya.

“War jeopardizes global maritime trade, disrupts global supply chain. Shipping is responsible for the movement of 90% global trade. With the sacrifices and services of seafarer’s food and fuel, medicines and machineries reach their destinations,” ani Bishop Santos.

Sa tala naman International Charter of Shipping nasa 14.5 percent ng global shipping force ay nagmula sa Ukraine at Russia.

Sa datos naman ng Stella Maris Philippines halos kalahating milyong Filipino seafarers ang nangangasiwa sa 60, 000 barko sa buong daigdig.

Binigyang diin ni Bishop Santos na higit kinakailangan ng world maritime trade ang shipping industry upang manatiling buhay ang sektor ng kalakalan.

Dahil dito inaanyayahan ni Bishop Santos ang mamamayan na taimtim ipanalangin at idulog sa Panginoon ang pagpapanibago upang matamo ng Ukraine ang kapayapaan.

“Let us pray without ceasing, begging our almighty God for the change of hearts of those who deeply involved, conversion that all will be open to dialogue, to diplomacy and give peace a chance,” saad ng obispo.

Kaisa rin ang grupo sa panawagan ni Pope Francis na ‘A Day of Prayer and Fasting’ ngayong Ash Wednesday para sa pagtatapos ng digmaan at katiwasayan ng pamayanan.

“We, the chaplains of Stella Maris-Philippines, are one with our Holy Father, Pope Francis in prayers, in sacrifices and fasting for the peaceful resolution and all involved will come out to contrition, compassion; we are always praying for peace and for the protection of seafarers, vessels and cargo. We offer our Holy Masses for the safety of all, respect to human life and end to this war,” giit ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 249,346 total reads

 249,346 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 281,059 total reads

 281,059 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 382,885 total reads

 382,885 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 423,446 total reads

 423,446 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 433,497 total reads

 433,497 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top