GCTA, ipatupad kontra Covid-19 sa mga piitan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 690 total reads

May 1, 2020-12:53pm

Umaasa ang ‘justice ministry’ ng simbahan na matutukan na ang pagsasaayos ng kontrobersyal na Good Conduct Time Allowance (GCTA) upang maging daan na mapaluwag ang mga bilangguan sa bansa.

Ito ang inihayag ni kay Sr. Zeny Cabrera ng Caritas Manila Restorative Justice, lalu’t patuloy na tumataas ang bilang ng mga bilanggong nagtataglay ng Coronavirus Disease sa iba’t ibang bilangguan.

Paliwanag ni Sr. Cabrera ang GCTA ay maaring maging tugon upang ma-decongest ang mga piitan sa bansa.

“Hopefully sana itong GCTA na nagkagulo-gulo noon pero ngayon inaayos na, I hope sa panahong ito na meron talagang time to fix everything sana ito ay mabigyan na ng lunas na maimplement para sa ganun naman ay ma-decongest talaga ang kulungan,” ang bahagi ng pahayag ni Sr. Cabrera sa panayam sa Radyo Veritas.

Ayon pa sa madre, nangangamba na rin ang mga preso dahil hindi maipapatupad ang physical distancing sa loob ng kulungan dahil na rin sa masisikip na selda.

“Ang fear nila natatakot sila dahil yung sinasabi nating Social Distance di ba to observe ay hindi nila magagawa sa loob kasi inside the brigade yung kapag nasa loob sila ng selda ay magkakasama din sila.” Dagdag pa ni Sr. Zeny Cabrera.

Ang social distancing o physical distancing ang isa sa mga ipinapayo ng mga eksperto na paraan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

Una na ring inihayag ng ahensya ng pamahalaan na halos 80-porsyento ng mga bilanggo sa bansa ay labis sa kapasidad ng mga kulungan bunsod ng kabagalan ng pagproseso sa kaso ng mga akusado.

Ang Republic Act (RA) 10592 o ang conditional expanded GCTA ay naglalayong mapalaya ang mga bilanggo na nakapagpakita ng magandang pag-uugali sa loob ng bilangguan.

Batay sa pinakahuling tala ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) noong ika-28 ng Abril umaabot na sa 235 ang bilang mga bilanggo at jail personnel na nagpositibo sa COVID-19 mula sa apat bilangguan sa bansa.

Sa datos, 186 sa mga nagpositibo ay nagmula sa Cebu City Jail; isa sa Mandaue City Jail; ang 9 naman ay nagmula sa Quezon City Jail habang may 2 kaso na rin ang naitala sa Zamboanga City Jail.

Lima naman mula sa 38-BJMP personnel na nagpositibo sa sakit ang gumaling mula sa karamdaman.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 91,837 total reads

 91,837 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 185,867 total reads

 185,867 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 230,135 total reads

 230,135 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 253,244 total reads

 253,244 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 324,199 total reads

 324,199 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top