Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,113 total reads

Marahil, kapanalig, pamilyar ka na sa katagang raket. Sa ating bayan, laging uso yan. Ang raket ay parang sideline – mga panandalian o mabilisang trabaho na ginagawa natin on the side para may pandagdag kita. Yung iba, ginawa nang pangmatagalang hanapbuhay ang raket. Ang kanilang kabi-kabilang raket ay nakakapagbigay na ng tuloy-tuloy na income sa iba, kahit papaano. Ang kanilang raket ay naging freelance jobs na.

Alam niyo kapanalig, ang  mga ganitong uri ng trabaho ang nagsimula ng tinaguriang gig economy. Ano nga ba ang gig economy kapanalig, at bakit mahalaga na ito sa ating bayan ngayon?

Ang gig economy ay binubuo ng mga trabaho na hindi-pangmatagalan, naka-kontrata ang mga manggagawa, at hindi tradisyonal ang employer-employee relationship. Kabaligtaran ito ng nakagisnan nating tradisyunal na trabaho – yung 8 to 5, pang-matagalan, may boss na nagbabantay, at may mga pormal na benepisyo. Kadalasan, ang mga trabaho sa gig economy ay kaugnay ang teknolohiya o app-based sila.



Bentang-benta ang gig economy sa ating bayan, kapanalig. Sa katunayan, may pag-aaral na nagsasabi na pang-anim na tayo sa buong mundo na may “fastest-growing market for the gig industry.” Tumaas din ng 35 percent ang kita mula sa freelancing sa bansa.

Magandang balita ito, kapanalig. Sa ating bayan kasi, naging malaking bentahe ang gig economy lalo na ngayong panahon ng pandemya. Marami sa mga nawalan ng trabaho ang nakakuha ng pagkakakitaan mula sa mga online jobs, hindi lamang dito sa loob ng bayan, kundi pati sa ibang bansa. Dahil sa teknolohiya at iba-ibang apps, nakakuha ng trabaho mula sa mga foreign companies ang marami sa ating kababayan.

Naging useful din ang gig economy sa mga nanay na nakita ito bilang oportunidad na kumita kahit papaano na hindi na aalis pa ng bahay at iiwanan ang mga anak. Marami sa ating  mga kababayang kakaibahan ang nakakuha ng trabaho bilang virtual assistants, halimbawa, o transcriptionist.

Ang gig economy, kapanalig, ay marami ngang naitulong sa ating mga kababayan. Maliban sa dagdag kita, nagkaroon din sila ng pagkakataon na magkaroon ng flexible working hours, makapagsimula ng kanilang maliit na negosyo, at makakita ng trabahong makakapagbibigay ng bagong kasanayan. Kaya lamang, sa likod ng mga biyayang ito, may mga bagay pa rin tayong kailangang bantayan, gaya ng kawalan ng benepisyo, mababang pasweldo, at burnout sa dami ng hawak ng proyekto.

Kapanalig, ang trabaho ay magandang bagay dahil ayon nga sa Gaudium et Spes, pag tayo ay nagtatrabaho, nababago natin ang mundo. Kaya nga lamang, kailangan nating siguraduhin na ang trabahong ating ginagawa ay nagbibigay ng sapat na kita, sapat na pahinga, at nagbibigay dangal sa ating pagkatao.

Sumainyo Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 174,537 total reads

 174,537 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 245,962 total reads

 245,962 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 279,409 total reads

 279,409 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 314,709 total reads

 314,709 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 534,308 total reads

 534,308 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 174,538 total reads

 174,538 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 245,963 total reads

 245,963 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 279,410 total reads

 279,410 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 314,710 total reads

 314,710 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top