Paglapastangan sa imahe ng mga banal sa Prelatura ng Isabela de Basilan, kinundena ng Claretian Missionaries

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 545 total views

Kinundena ng Claretian Missionaries ang paglapastangan sa imahe ng mga banal at Mahal na Birhen sa dalawang kapilya sa Prelatura ng Isabela de Basilan.

Sa pahayag na inilabas ng kongregasyon muli nitong iginiit ang pakikiisa sa kapayapaan at bukluran ng mamamayan sa Basilan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw, pananampalataya at tradisyong kinagisnan.

“We condemn this disgraceful act and we implore those who are in power to ensure that something similar will not happen again in the future,” bahagi ng pahayag ng Claretian Missionaries.

Matatandaang Pebrero 17 nang matagpuan ang ilang imahe ng mga santo at Mahal na Birhen na putol ang ilang bahagi ng katawan sa San Isidro Labrador chapel sa Sta. Clara, Lamitan City at San Antonio De Padua chapel sa Little Cebu, Barangay Maganda, sa parehong lunsod.

Ikinalungkot ng mga Claretiano ang insidente lalo’t naganap ito sa Miyerkules ng Abo ang pagsisimula sa panahon ng kuwaresma at pakikiisa sa mga sakripisyo ng Panginoong Hesus kung saan ang mga imahe ay sagisag at paalala sa bawat mananampalataya sa kabanalan.

“The act of sacrilege leaves not only a mark of utter disrespect to faith, but also a blatant affront to the peace – loving Catholic believers in the Prelature,” dagdag pa nito.

Suportado ng kongregasyon ang panawagan ni Bishop Leo Dalmao sa mamamayan na manatiling kalmado sa kabila ng paglapastangan subalit paigtingin ang pagbabantay sa mga bahay dalanginan at patuloy na manalangin para sa kapayapaan ng lalawigan.

Aktibo ang mga Claretiano sa Basilan bilang mga misyonerong nangangalaga sa 30 porsyento ng mga Katoliko sa lugar.

Dalangin din nito ang pagkakaisa, at kapayapaan tungo sa kabutihan ng nakararami.

“We ardently pray for the end of this vicious act of hate even as we continue to implore for peace and respect, seeking the common good for all.”

Nanawagan naman ng patuloy na pagkakaisa ang Prelatura upang higit na matamasa ang kapayapaan sa lalawigan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 120,848 total views

 120,848 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 151,070 total views

 151,070 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 177,718 total views

 177,718 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 272,691 total views

 272,691 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 285,915 total views

 285,915 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top