GMRC, nagsisimula sa mga magulang

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 851 total reads

Sa mga magulang nararapat na magsimula ang paghubog sa mabuting asal at ugali ng mga kabataan.

Ito ang ibinahagi ni Diocese of San Pablo Bishop Buenaventura Famadico, Chairman ng CBCP- Episcopal Commission on Clergy kaugnay sa planong pagtutok ng Department of Education sa pagbibigay ng Good Manners and Right Conduct sa mga kabataang mag-aaral.

Ipinaliwanag ng Obispo na bagamat malaki ang papel na ginagampanan ng paaralan sa pagkakaroon ng mabuting asal ng mga kabataan ay dapat pa ring magmula ito sa mga magulang at iba pang nakakatanda na maaring tingalain at gawing huwaran ng mga kabataan sa kanilang paglaki.

Ipinaalala ni Bishop Famadico na bahagi ng pangako ng mga magulang sa sakramento ng binyag ay ang pagsisilbing mabuting halimbawa sa mga bata hindi lamang sa tama at mabuting asal kundi sa pagkakaroon ng pananampalataya sa Panginoon.

“Dapat ngang maibalik o maibigyan ng kaukulang emphasis pero sa totoo lang yan ay dapat na nagsisimula sa bahay, kaya ang dapat na magturo niyan ay yung mga magulang. Hindi yan sa pamamagitan ng pagtuturo dahil kung ano ang nakikita ng mga bata sa matatanda ay tama.Bilang Katoliko, ang mga magulang ay nangako noong dinala nila sa binyag itong mga bata na ito na magsisilbing mabuting halimbawa sa pananampalataya…” paglilinaw ni Bishop Famadico sa panayam sa Radyo Veritas.

Nilinaw naman ng Obispo na bukod sa mga magulang ay kasama rin sa mga tinitingala at nagsisilbing huwaran ng mga kabataan ay ang iba pang nakakatanda sa pamayanan tulad ng mga kilalang lider at opisyal ng pamahalaan.

Naunang inihayag ni DepEd Secretary Leonor Briones na layuning mapalakas ng kagawaran ang basic values ng mga kabataan mula sa murang edad para sa muling pagsusuri sa curriculum ng K-12 Program upang maidagdad ang Good Manners, Right Conduct at Proper Values mula Kindergarden, Grade 1 at Grade 2.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 80,277 total reads

 80,277 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 127,823 total reads

 127,823 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 175,694 total reads

 175,694 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 279,642 total reads

 279,642 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 362,018 total reads

 362,018 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top