Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Grupo ng magsasaka, iginiit ang pagtutol sa Rice Tariffication Law

SHARE THE TRUTH

 572 total views

Marapat pasalamatan ang sektor ng pagsasaka sapagkat mahalaga para sa buhay ng bawat isa ang gawain ng mga nagbubungkal ng lupa.

Ito ang nilalaman sa isang panalangin ng Kaniyang Kabanalan Francisco para sa mga magsasaka bilang pagbibigay pugay sa dakilang gawain sa paglinang ng mga lupang ipinagkaloob ng Panginoon sa sangkatauhan.

Giit ng Santo Papa karapat dapat na bibigyan ng disenteng buhay ang bawat magsasaka sa lipunan dahil maging sila ay taong nilikha na kawangis ng Panginoon.

Sa Pilipinas, nanawagan sa pamahalaan ang grupo ng mga magsasaka na nanganganib na mawalan ng kabuhayan kasunod ng pagsasabatas ng Rice Tariffication Law na layong luwagan ang alituntunin sa pag-aangkat ng bigas at mapabilis ang pagpasok sa mga pamilihan.

Ayon sa Bantay Bigas at Amihan, labis ang panganib ng batas sa lokal na produksyon ng bigas na maaring hindi na tangkilikin ng mamamayan kaya’t hinimok nito ang mga Filipino na pangalagaan ang lokal na produksyon ng bigas sa pamamagitan ng pagkakaisang manindigan na ipagwalang bisa ang inamiyendahang Republic Act No. 8178 o ang Agricultural Tariffication Act of 1996.

“We urge the stakeholders, the producers and consumers to protest and protect our country’s food security and demand the junking of this law,” pahayag ni Cathy Estavillo ng Bantay Bigas.

Kapwa nanindigan ang grupo na hindi solusyon sa suliranin ng suplay at presyo ng bigas sa bansa ang Rice Tariffication Law kundi makasisira lamang ito sa kakayahan ng mga magsasaka na tustusan ang suplay ng bigas sa bansa.

Giit ni Estavillo, magbibigay daan ang nasabing batas para pamunuan ng malalaking negosyante at ilang pribadong indibidwal ang pagsusuplay ng bigas sa bawat Filipino.

“These profit-oriented entities do not recognize food security as primary, thus, availability and accessibility of the poor sectors to food are emasculated,” dagdag ni Estavillo.

Sa pag-aaral ng grupo, 350 bilyong pisong halaga ang mawawala sa industriya ng bigas sa pagsabatas ng Rice Tariffication Law kaya’t hinimok ng grupo ang lahat ng sektor na magkaisang manindigan sa pagtutol ng nasabing batas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,002 total views

 28,002 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,102 total views

 36,102 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,069 total views

 54,069 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,109 total views

 83,109 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 103,686 total views

 103,686 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Economics
Norman Dequia

EU bonds, isinusulong ng European Union

 17,597 total views

 17,597 total views Isinulong ng European Union sa Pilipinas ang EU bonds bilang maasahan at ligtas na investment gayundin ang pagtiyak na matatag na global currency

Read More »
Economics
Norman Dequia

Virtual PAG-IBIG Mobile App, inilunsad

 20,935 total views

 20,935 total views Inilunsad ng Pag-IBIG Fund ang Virtual Pag-IBIG Mobile App na layong pabilisin ang serbisyo sa mga kasapi ng institusyon. Ginawa ito sa ika

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top