Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 586 total reads

Kapanalig, sobrang hirap ng buhay ngayon. Ang buong developing Asia, nag-contract o lumiit ng 0.4% nitong 2020. Halos burahin nito ang pagsulong na nakamit na Asya bago magka-pandemya.

Ang ating bansa ngayon ay in recession – 9.5% ang binagsak ng ating gross domestic product nitong 2020. Para sa iba, tulad ng ating mga pulitiko na minamaliit lang ang kahirapan na ito at nagtataka kung bakit tayo nagrereklamo sa gutom, maliit na bagay lang ito. Hindi nila kasi ramdam ang nararamdam ng ordinaryong Filipino. Pero ang kahirapang dinadanas ng bayan ngayon ay katumbas ng gutom para sa maraming Filipino. Nitong nakaraang 2020, 7.6 milyong Filipino ang nagsabing nakaranas sila ng gutom.

Kaya nga’t marami ang nagtatrabaho pa rin sa labas kahit pa may banta ng COVID 19. Totoo, kapanalig, na nauwi sa dalawang choices o pagpipilian na lamang ang sitwasyon ng marami nating mga kababayan- gutom o covid. Buhay ang nakataya, kahit ano pa ang piliin.



Hindi sana ito mangyayari kung ating naibibigay ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan. Bingi at bulag tayo sa kanilang pinagdadaanan. Hindi ba natin batid na ang mga pangunahing pangangailangan ngayon ng maraming Filipino ay bakuna, social proteksyon, at tulong para sa informal sector na siyang nagbibigay trabaho sa maraming Filipino? Malabong mauna sa pila ng bakuna ang maralita, kaya nga’t sana, ating mapabilisan ang pagbigay ng suporta sa mga kabahayan at mga small entreprises o negosyo. Kahit na may pandemya, kailangan pa rin nila kumita, kailangan nila mabuhay.

Itinuturo sa atin ng ating pananalig na unahin lagi ang tunay na maralita sa ating paligid. Ngayon panahon ng pandemya, nakikita natin na taliwas sa kautusan ng Simbahan at sa ehemplo ni Hesus ang ating ginagawa. Ang maralita ngayon ay ating naging huling prayoridad-sa trabaho, sa benepisyo, sa oportunidad.

Kapanalig, ayon sa Deus Caritas Est, sa isang komunidad ng nananalig, walang puwang ang kahirapang nagnanakaw ng dignidad ng tao. Sa ating bansa ngayon, kung saan ang maralita ay kailangan mamili sa COVID o gutom, may dignidad pa ba ang maging mahirap? Nawa’y mabago natin ito, at tuluyang kilalanin ang bakas ng Panginoon sa bawa mukha ng mga dukha.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 48,899 total reads

 48,899 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 145,746 total reads

 145,746 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 190,015 total reads

 190,015 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 213,124 total reads

 213,124 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 286,144 total reads

 286,144 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

TRUTH AWARDS

 48,900 total reads

 48,900 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 145,747 total reads

 145,747 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 190,016 total reads

 190,016 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 213,125 total reads

 213,125 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »
Scroll to Top