Pagpasok ng daan-daang Chinese vessel sa teritoryo ng Pilipinas, ikinababahala ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,111 total reads

Nagpahayag ng pagkabahala ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa kaugnay sa presensya ng mga Chinese vessels sa Julian Felipe Reef na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, nakababahala ang pananatili ng mahigit sa 200 Chinese militia vessels lalo na para sa kapakanan ng mga Filipinong mangingisda na kadalasang tinatakot at sinasaktan sa mismong karagatang sakop ng bansa.

Umaasa naman ang Obispo na tuluyan ng masolusyunan sa mapayapang pamamaraan ang suliranin ng bansa mula sa patuloy na panghihimasok ng China sa teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea na malinaw na isang paglabag sa soberenya ng bansa.

“My reaction is medyo nakakabahala [ang presensya ng mga Chinese vessels lalo na para sa mga Filipinong mangingisda] And my message is I hope it will be resolved peacefully [ng walang nagaganap na kaguluhan].” Ang bahagi ng pahayag nii Bishop Mesiona sa panayam sa Radio Veritas.

Batay sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA) nasa 220 Chinese militia vessels ang namataan sa Julian Felipe Reef sa Kalayaan Islandgroup na pag-mamay-ari ng Pilipinas at nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa.

Ang pinag-aagawang teritoryo ay saklaw ng 200-nautical miles Exclusive Economic Zone ng Pilipinas batay na rin sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na dinaraan ng tinatayang umaabot sa higit sa 5-trilyong dolyar ang halaga ng kalakal mula sa iba’t ibang bansa kada taon.

Nauna na ring binanggit ni Pope Francis sa harapan ng mahigit 150 lider sa buong mundo ng United Nations ang pagkilala sa karapatan sa pagmamay – ari ng teritoryo lalo na ng mga mahihirap na bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 35,103 total reads

 35,103 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 66,375 total reads

 66,375 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 144,131 total reads

 144,131 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 238,359 total reads

 238,359 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 297,526 total reads

 297,526 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 22,568 total reads

 22,568 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top