“Be careful but not fearful”.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 751 total reads

Ito ang payo ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Obispo, bagamat higit na dapat na mag-ingat ang lahat sa muling pagkalat ng virus ay hindi naman dapat na mangibabaw ang takot sa bawat isa.

Ipinaliwanag ni Bishop Bacani na mahalaga ang pagkakaroon ng matatag na diwa at kalooban sa pagharap sa malawak na krisis na dulot na COVID-19 pandemic.

Sinabi ng Obispo na kaakibat ng pagkakaroon ng matatag na kalooban ay ang pagkakaroon ng matatag na resistensya upang paglabanan ang anumang sakit tulad ng COVID-19 virus.

“Ang sabi natin sa ating panalangin diba Oratio Imperata, save us from our fears huwag din tayong matatakot naman, careful but not fearful yan ang sabihin mo. The people should be careful but not fearful because at this time we should keep our spirit up, because when our spirit are up, our immune system is strong that is one.” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam sa Radio Veritas.

Binigyang diin naman ng Obispo ang kahalagahan ng patuloy na pagsunod ng bawat isa sa ipinatutupad na mga safety health protocol bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng nakahahawa at nakamamatay na sakit.

Iginiit ni Bishop Bacani na hindi dapat maging kampante ang bawat isa.

“Ang mga tao sana patuloy lang ang pag-iingat same pag-iingat face mask, social distancing, washing of hands, mababawasan yan huwag lang masyadong careless na pupunta sa mga mall kaysa sa Simbahan. Dapat lang maging sa Simbahan, maging sa kahit saan yung protocol [ay dapat sinusunod] lang yan.” dagdag pa ni Bishop Bacani.

Samantala, kabilang sa mga tinukoy ng Obispo na paraan ng pagpapatatag sa kalooban ay ang pagkakaroon ng matatag na pananampalataya sa kaloob at plano ng Panginoon para sa bawat isa.

Batay sa datos ng Department of Health, umaabot na sa halos 680,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan muling naitala ang mabilis na pagtaas ng kaso ng sakit noong ikalawang linggo ng Marso.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 53,347 total reads

 53,347 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 103,855 total reads

 103,855 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 224,435 total reads

 224,435 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 274,792 total reads

 274,792 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 399,819 total reads

 399,819 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top