Hamon sa mga mambababatas, ilabas ang katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 409 total reads

Tungkulin ng mga mambabatas na ilabas ang katotohanan sa pagganap ng kanilang sinumpaang gawain na maglingkod para sa sambayanan.

Ito ang paalala ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity kaugnay sa House at Senate inquiry sa malalang problema ng Pilipinas sa ilegal na droga.

Iginiit ni Bishop Pabillo na dapat ang natatanging layunin ng mga mambabatas ay alamin ang katotohanan at hindi para pagtakpan o protektahan ang mga tunay na nagkasala na nagpapalaganap ng kaguluhan at hindi pagkakaunawaan sa bansa.

“Sana naman, talagang layunin ng mga mambabatas ay lumabas yung katotohanan at hindi upang takpan ang katotohanan. Sana itong mga pag-aaway nila ay makapag-promote ng tunay na paglabas ng katotohanan at sana hindi ito maging daan para protektahan ang ibang mga tao, ang ibang mga interes. Kailangan talaga ng taumbayan ang katotohanan para masugpo ang problema ng bansa…”pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Veritas advocate.

Dinidinig sa kasalukuyan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang illegal drug trade sa New Bilibid Prison habang nagsasagawa rin ng pagdinig ang Senado sa nagaganap na Extra-judicial Killings sa war on drugs ng pamahalaan.

Samantala, ipinagmamalaki ng Philippine National Police (PNP) na bumaba sa 31-porsiyento ang krimen sa bansa ngunit mahigit sa 3-libong indibidwal na ang namamatay sa mas pinag-iting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Kaugnay nito, inihayag ni CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa isang kalatas na siya ay nahihiya, nababahala at nalulungkot sa patuloy na pagtaas ng kaso ng extra-judicial killings sa bansa.

Kasunod nito, hinimok ni Archbishop Villegas ang taumbayan na magdasal ng Santo Rosaryo at magsimba araw-araw para muling maghari ang pagpapahalaga sa sagradong buhay sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 78,436 total reads

 78,436 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 126,076 total reads

 126,075 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 173,946 total reads

 173,946 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 277,894 total reads

 277,894 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 360,349 total reads

 360,349 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top