Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hanapin ang dapat hanapin

SHARE THE TRUTH

 333 total views

Mga Kapanalig, sa isang privilege speech kamakailan, iminungkahi ni Senador Francis Tolentino na imandato ang mga opisyal at kawani ng gobyerno na ideklara kung sila ay may mga kamag-anak na kaanib ng mga teroristang organisasyon. Ito raw ay upang maiwasang makompromiso ang pambansang seguridad o national security. Pinalutang ng senador ang suhestyong ito dahil na rin sa kaso ni Commission on Higher Education (CHED) chair Prospero de Vera na ang kapatid ay dinakip at inakusahang may mataas na katungkulan sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front’s (o CPP-NPA-NDF). Agad namang sumalungat sina Senador Koko Pimentel at Senadora Loran Legarda. Anila, hindi responsable ang pinuno ng CHED sa mga ginagawa ng kanyang kapatid. Ang paniniwala rin daw sa anumang ideolohiyang nagsusulong ng katarungang panlipunan ay hindi awtomatikong pagsang-ayon sa karasahan.

Mukhang may ibang dapat tayong hanapin, Senador Tolentino. Bakit hindi kaya natin hanapin ang mga opisyal ng gobyernong sangkot sa katiwalian o may mga kailangan pang panagutan sa bayan?

Kung ating maaalala, nagbanta noon ang dating Pangulong Duterte na “one whiff of corruption” lamang, sisibakin na agad sa puwesto ang isang opisyal. Pero wala naman tayong nakitang tunay na napanagot sa mga kaso ng katiwalian sa ilalim ng nakaraang administrasyon. Nariyan ang mga kuwestiyonableng proyektong milyun-milyon o bilyun-bilyong piso pa nga ang halaga, ngunit hindi naman maayos na nai-report kung saan-saan nga ba nagamit ang pondo.

Mayroon pang mga pinagkakitaan ang pandemya. Sa tulong ng kanilang mga koneksyon sa gobyerno, may mga kompanyang kumita sa mga kontratang bilyun-bilyong piso ang halaga. Noong kasagsagan ng pandemya, bumili ang gobyerno sa isang kahinahinalang kompanya ng mga overpriced na medical supplies katulad ng face shields. Hanggang ngayon ay hindi na napananagot ang mga nasa likod nito. Parang walang nangyari.

Tila napalampas na rin ang nawawalang bilyun-bilyong pisong kontribusyon ng mga manggagawa para sa kanilang health insurance. Napunta ang pera sa mga kuwestiyonableng dialysis centers at paanakan gayong hindi naman nakalaan ang pera para sa mga ito. May mafia nga raw na nangulimbat ng perang ito, pero gaya ng ibang kaso, hindi na ito ngayon pinagtutuunan ng pansin.

Umaalingasaw ang katiwalian sa gobyerno ngunit tila makapal ang face masks ng mga nakaupo sa gobyerno. Hindi nila ito naamoy. O baka naman naamoy nila pero hindi nila balak alamin kung saan nanggagaling ang baho ng korapsyon. Bakit kaya?

Wika nga sa Exodo 23:8, ang katiwalian ay “bumubulag sa tao sa katuwiran.” Alam nating lahat ito, at alam na alam din dapat ito ng ating mga lider. Ngunit sadya yatang normal na sa ating pulitika ang kurapsyon dahil sa kabila ng kaliwa’t kanang mga pagdinig na ginagawa ng ating mga mambabatas, malaya pa rin ang mga tiwali. Kasa-kasama pa nga nila sa trono ng kapangyarihan.

Hindi natin makamit-kamit ang tinatawag ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’ na “culture of integrity”, isang kultura ng integridad kung saan malinaw na nalalaman ng mga mamamayan ang mga ginagawa ng mga namamahala sa kanila. Mailap ang ganitong kultura sa ating pulitika dahil nakatuon sa ibang mga bagay ang atensyon ng ating mga lider. Nakatuon ang marami sa kanila—kung hindi man lahat—sa pagtatago ng katotohanan at sa pag-iwas sa pananagutan. At nagtatagumpay sila dahil tahimik lamang tayo sa harap ng lantarang pagnanakaw sa perang pinag-ambagan natin.

Mga Kapanalig, anay sa demokrasya ang katiwalian. Ipinagkakait nito sa atin ang pagkakataong mapakinabangan ang mga serbisyong dapat nating matanggap bilang mga mamamayan ng ating bansa. Ngunit dahil hindi tayo kumikibo, tuloy ang ligaya ng mga ginagawang diyos ang pera at kapangyarihan.

Sumainyo ang Katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 1,534 total views

 1,534 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 7,507 total views

 7,507 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 13,262 total views

 13,262 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 20,525 total views

 20,525 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 28,510 total views

 28,510 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 1,535 total views

 1,535 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 7,508 total views

 7,508 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 13,263 total views

 13,263 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 20,526 total views

 20,526 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 28,511 total views

 28,511 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,108 total views

 35,108 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,112 total views

 47,112 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,154 total views

 55,154 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 46,711 total views

 46,711 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,136 total views

 45,136 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 46,922 total views

 46,922 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 43,847 total views

 43,847 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,161 total views

 58,161 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 61,851 total views

 61,851 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,454 total views

 60,454 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top