Hanapin at pagnilayan ang biyaya ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

 256 total views

Ito ang mensahe ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa bawat mananampalataya sa pagdiriwang ng Solemnity of the Immaculate Conception na ginanap sa Cathedral Basilica of the Immaculate Conception.

Ayon kay Cardinal Tagle, ang bawat isa ay tumanggap ng biyaya at galing mula sa Panginoon na dapat gamitin sa wasto sa pamamagitan ng isang misyon.

“Tayo po lahat ay mayroon tayong blessings and graces. Bakit binigay ‘yan ng Diyos para sa misyon. Hindi lang para sa sarili ‘yan. Kapag nakadiskubre tayo ng blessings, huwag nating sasabihin ang blessed ko naman ang galing ko naman. Ang palad ko naman. Tanungin din, bakit kaya ako binigyan ng ganitong blessing? Ano kaya ang misyon para sa akin? Blessing, grace is a calling to mission,” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle.

Paliwanag ni Cardinal Tagle ang puspos na pagpapala at pagtatangi ng Panginoon sa Inang Maria ay para ihanda sa kaniyang misyon na dalhin sa sinapupunan ang Anak ng Diyos-ang manunubos ng sanlibutan mula sa pagkakasala.

“She is graced so that She can fulfill her mission to be the Mother of the Son of the Most High God,” ayon kay Cardinal Tagle.

Si Maria na kalinis-linisang ipinaglihi ng kaniyang inang si Sta. Ana ang nagsilbing pintuan ng Ama para sa pagpasok ni Hesukristo sa mundo at makisalamuha sa mga makasalanan para tupdin ang itinakda ng Diyos Ama.

Tulad ni Maria ang bawat isa rin ay binigyan ng biyaya ng Panginoon at hinugasan mula sa kasalanang mana sa pamamagitan ng sakramento ng binyag.

Bukod sa araw ng Linggo kabilang sa mga itinalaga bilang holiday of obligation o araw ng pangilin ang December 8- Immaculate Conception, ang December 25 araw ng Pagsilang ni Hesus at ang January 1 -ang Solemnity of Mary, the Holy Mother of God.

Ang titulo ng imahe ng Immaculate Conception ang pangunahing patrona ng Pilipinas, at bukod sa Manila Cathedral ilang ding katedral ang nakatalaga sa parehong patrona kabilang ang katedral ng Ozamis City, Pasog, Malolos at Cubao.

Kabilang din sa dumalo sa pagdiriwang ng misa si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Gabriele Caccia at mga pari mula sa Archdiocese of Manila.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE 2025

 80,086 total views

 80,086 total views Mga Kapanalig, katatapos lang ng midterm national and local elections pero may pang isang halalan sa taóng ito. Isasagawa sa Disyembre ang Barangay

Read More »

Anong pinagtataguan mo?

 91,090 total views

 91,090 total views Mga Kapanalig, gaano kalayo ang kayang takbuhin ng isang tao para makaiwas sa pananagutan? Sa kaso ng dating tagapagsalita ni dating Pangulong Duterte

Read More »

To serve and protect

 98,895 total views

 98,895 total views Mga Kapanalig, para sa Catholic social teaching na Gaudium et Spes, ang mga awtoridad ay obligadong ipatupad ang batas alinsunod sa kung ano

Read More »

TOO MUCH GENERAL EDUCATION

 112,136 total views

 112,136 total views Quality education, kailan kaya natin ito makakamit Kapanalig? Taon-taon, nahaharap sa maraming problema ang sektor ng edukasyon sa bansa., kabilang dito ang hindi

Read More »

AUGUST CHAMBER

 123,646 total views

 123,646 total views The Filipino people have the right to know the truth! Noong 1916, itinatag ang tinaguriang AUGUST chamber o Senate of the Philippines. Nagsilbi

Read More »

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

A Call to Conscience and Duty

 8,012 total views

 8,012 total views Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa mga senador ng Republika ng Pilipinas na igalang at isakatuparan ang kanilang tungkuling

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top