27 total views
Tulad ng ilawang patuloy na nagliliwanag, nawa’y manatiling gising ang ating puso sa panalangin upang ang yaman, talento, at oras na ipinagkatiwala ng Diyos ay hindi lang magdulot ng sariling ginhawa, kundi maging daan ng pagmamahal at paglilingkod. Sa ganitong katapatan at mabuting pangangasiwa, anumang oras dumating ang Panginoon, makapagsusulit tayo nang may galak—dahil ang gantimpala ng mga tapat ay walang hanggan sa piling Niya.