Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Higit na pagpapahalaga sa kalikasan, isinusulong ng Laudate Deum ni Pope Francis

SHARE THE TRUTH

 3,803 total views

Iginiit ni Lipa Archdiocesan Ministry on Environment director, Franciscan Capuchin Fr. Mike Flores na nais ipabatid ng Santo Papa Francisco sa panibagong apostolic exhortation ang higit pang pagmamalasakit sa nag-iisang tahanan.

Tinukoy ni Fr. Flores ang Laudate Deum na sumusuporta sa ensiklikal na Laudato Si’ ng Santo Papa upang paigtingin ang pagkilos at pangangalaga sa naghihingalong kalikasan.

Ayon sa pari, kaakibat ng pagpapahalaga sa mga likas na yaman ay ang tungkulin ng bawat isa bilang mabubuting katiwala na magtataguyod at pakakaingatan ang sangnilikhang handog ng Diyos sa sangkatauhan.

“Kaugnay ng ating appreciation for this beautiful world is our responsibility na pangalagaan at ingatan ito sa anumang mga threats na maaaring makasira ng magandang mundong ito. At mga kapatid, hindi ito magagampanan ng iilang tao lamang o iilang grupo, kailangan ay sama-sama tayong lahat.” pahayag ni Fr. Flores.

Ibinahagi ni Fr. Flores na lubhang nababahala ang Santo Papa sa mga nangyayaring pinsala sa kapaligiran kung saan hindi na ito maituturing na climate change lamang kundi climate crisis.

Tagubilin ng pari sa mga mananampalataya na sa pagtatapos ng Season of Creation nawa’y patuloy na ipakita ang pagmamalasakit sa inang kalikasan, at unawain at tupdin ang mga isinasaad na aral mula sa Laudato Si’ at Laudate Deum tungo sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

“So ibig sabihin, wag nang magpatumpik-tumpik sapagkat ‘yung ating nalalabing panahon para mabigyan ng aksyon itong ating sitwasyon ay paiksi nang paiksi habang hinahayaan nating magpatuloy itong mga sumisira sa ating mundo.” saad ni Fr. Flores.

Oktubre 4, 2023 nang isapubliko ng Kanyang Kabanalan Francisco ang Laudate Deum, kasabay ng paggunita sa patron ng sangnilikha na si San Francisco ng Asis, at pagtatapos sa pandaigdigang pagdiriwang ng simbahan sa Season of Creation.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Wakasan ang political dynasties!

 15,528 total views

 15,528 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 33,811 total views

 33,811 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 188,912 total views

 188,912 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 233,375 total views

 233,375 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Seryosohin ang pagpapanagot

 264,651 total views

 264,651 total views Mga Kapanalig, nai-file na sa House of Representatives ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos, Jr. mula nang umupo siya sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top