Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 167,304 total reads

Mga Kapanalig, “catastrophe” o malaking sakuna ang maaari daw mangyari kapag maisabatas ang panukalang dagdagan ng isandaang piso ang daily minimum wage sa ating bansa. 

Iyan ang babala ng isang grupo ng mga negosyante habang kanilang tinututulan ang Senate Bill No. 2354. Ang panukalang batas na ito, na inaprubahan na ng Senado noong isang linggo, ay mag-oobliga sa lahat ng mga negosyanteng nag-eempleyo ng mga tinatawag na minimum wage workers na taasan ang kanilang natatanggap na suweldo. Giit ng grupo, masyadong mabigat ang isandaang pisong dagdag sa suweldo. Magdudulot daw ito ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Baka mapilitan din daw ang maliliit na negosyong magbawas ng manggagawa o tuluyan nang magsara dahil hindi nila kakayanin ang umento sa sahod. 

Kapag itataas daw ang suweldo ng mga minimum wage workers nang hindi isinasaalang-alang ang kita o profit ng mga employers, mapipilitan ang mga negosyanteng ipasa ang karagdagang gastos na ito sa mga mamimili ng kanilang mga produkto o serbisyo. Dehado rito ang mga walang employer dahil sila ang pinakamaaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Huwag na raw sanang lumikha ang mga mambabatas ng bagong problema para lamang tugunan ang pangangailangan ng minorya ng ating mga manggagawa.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), hindi bababa sa tatlong milyong Pilipino ang minimum wage earners. Isang milyon sa kanila ay nandito sa Metro Manila at tumatanggap sila ng arawang sahod na ₱610. Kung may pamilya kang sinusuportahan, sasapat ba ang halagang ito para tustusan ang mga pangangailangan ninyo katulad ng pagkain, kuryente, tubig, at upa sa bahay? Hindi pa natin pinag-uusapan ang mga miyembro ng pamilyang kailangang magpagamot o nag-aaral pa.

Sa liit ng sahod ng mga minimum wage earners, hindi na nakapagtataka kung marami sa kanilang may sideline. Gumagawa sila ng ibang trabaho o mapagkakakitaan para madagdagan ang pantustos sa pangangailangan ng kanilang pamilya. Napipilitan din ang iba pang miyembro ng pamilya—kahit pa ang mga bata at nakatatanda—na kumayod para may maiambag sa kanilang panggastos sa araw-araw. Sa huling pagkukuwenta ng PSA, ang isang pamilyang may limang miyembro ay hindi maituturing na mahirap kung mayroon silang ₱13,797 kada buwan. Kailangang kumayod ang isang minimum wage earner araw-araw upang manatiling mas mataas sa halagang ito ang mayroon ang kanyang pamilya at hindi maging mahirap sa mata ng gobyerno.

Matagal nang isinusulong ng Simbahan, sa pamamagitan ng mga panlipunang turo nito, ang pagkakaroon ng tinatawag na living wage. Ang living wage, sa madaling salita, ay ang kitang kailangan ng isang manggagawa upang masuportahan ang kanyang sarili at kanyang pamilya. Sa mga nagsasabing dapat hayaan ang merkadong magtakda ng sahod ng mga manggagawa, tumugon si Pope John XXIII sa Mater et Magistra at sinabing dapat itong nakasang-ayon sa katarungan (o justice) at patas na pagbabahaginan (o equity). Ang sahod ay hindi dapat idikta lang ng mga makapangyarihan—kabilang ang mga namumuhunan at kumikita. Dito sa ating bansa, hindi ito sana ginagamit ng mga pulitikong nais lamang magpapogi, ‘ika nga, sa mga botante. 

Ang suweldong napakababa ay hindi nakabubuhay. Ngunit ito ang katotohanan para sa napakaraming Pilipino, minimum wage earners man o mga nasa impormal na sektor, kung saan paiba-iba ang kinikita ng mga manggagawa. 

Mga Kapanalig, nakasentro sana—at dapat—ang pagtalakay sa isyu ng sahod sa kapakanan ng mga manggagawa, sa kanilang dignidad bilang tao. Oo, karapatan ng mga negosyong kumita, ngunit hindi ito ang pangunahing batayan ng karapatan sa makatao at nakabubuhay na sahod ng mga manggagawa. Sabi nga sa Roma 4:4, “Ang ibinibigay sa taong gumagawa ay hindi itinuturing na kaloob, kundi kabayaran.”

Sumainyo ang katotohanan. 

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,077 total reads

 1,077 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 51,889 total reads

 51,889 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 137,255 total reads

 137,255 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 183,991 total reads

 183,991 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 231,862 total reads

 231,862 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 333,331 total reads

 333,331 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 51,891 total reads

 51,891 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 137,257 total reads

 137,257 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 183,993 total reads

 183,993 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 231,864 total reads

 231,864 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top