Obispo ng Boac Marinduque, humiling ng panalangin sa kagalingan ng mga paring maysakit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 35,990 total reads

Umaapela ng panalangin si Boac, Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. para sa kagalingan ng mga maysakit na pari ng diyosesis.

Nabanggit sa liham-sirkular ng obispo na apat sa mga pari ng diyosesis ang kasalukuyang naka-confine sa ospital dahil sa malalang karamdaman.

Pagbabahagi ni Bishop Maralit na tatlo sa mga pari ang nasa Mt. Carmel Diocesan General Hospital sa Lucena City, Quezon habang isa naman ay nasa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

“In times like this, medical intervention is necessary… However, we also believe that the power of prayers especially of all the Christian Communities in our diocese will not only guide their attending doctors, protect and secure our patients but even more hasten their recovery and even effect miraculous healing if it is God’s will,” panawagan ni Bishop Maralit.

Naglabas naman ng panalangin ang Diocese of Boac para sa mga paring may sakit na uusalin bago magsimula ang mga Banal na Misa araw-araw hanggang sa kanilang tuluyang paggaling.

PANALANGIN PARA SA MGA MAYSAKIT NA PARI
Panginoong Hesus, aming Mabuting Pastol
Tinawag mo ang iyong mga pari upang makiisa sa Iyong misyon na akayin kami sa Iyong Ama
sa pamamagitan ng daan ng kabanalan
ang pagmamahal at wagas na paglilingkod.

Inaalala namin ngayon sa natatanging paraan
ang kapariang naging bahagi ng aming buhay at naging daan upang lumalim
ang aming pakikipag-ugnayan sa Iyo.

Isinasamo namin sa Iyo na patnubayan Mo po sila
upang sa pamamagitan ng kanilang matalik
na pakikipag-ugnayan sa Iyo sa pagdarasal
nawa’y mahubog ang kanilang katauhan ayon sa iyong kalooban.

Isinasamo rin namin sa Iyo ang aming mga pari
na ngayon ay may malubhang karamdaman
Hinihiling namin na hipuin mo sila
ng iyong mapagpagaling na mga kamay.

Sapagkat kung kami ay iyong nilikha mula sa kawalan nakatitiyak kami na patuloy mo silang iingatan.

Para sa kaluwalhatian ng Iyong Ama
at sa iyo Panginoong Hesus na aming Tagapamagitan
kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang-hanggan.

Amen.

Batay sa tala ng Catholic Hierarchy noong 2021, ang Diyosesis ng Boac ay binubuo ng nasa 80 mga pari na gumagabay sa 250-libong mananampalataya mula sa 14 parokya.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 131 total reads

 131 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 50,283 total reads

 50,283 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 135,649 total reads

 135,649 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 182,384 total reads

 182,384 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 230,256 total reads

 230,256 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 331,795 total reads

 331,795 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 169,660 total reads

 169,660 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top