Conference on Mary, suportado ng Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 27,288 total reads

Suportado ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang isasagawang Conference on Mary o ConMariaPH na inisyatibo ng Prefecture of Spirituality of the Claretian Missionaries Fr. Rhoel Gallardo Province.

Sa pamamagitan ng Claretian Communications Foundation sa kauna-unahang pagkakataon isasagawa ang ConMariaPH sa May 1, 2024 sa temang ‘Mary, You are the Most Blessed Among Women.’

Ayon kay Bishop Ongtioco, magandang pagkakataon itong makilakbay kay Maria na ina ng Diyos at sangkatauhan sa pagdalo sa pagtitipon.

“This conference is meant to highlight the essential role of Mary in our faith and life as followers of Jesus and the mission of the Church,” bahagi ng mensahe ni Bishop Ongtioco.

Binigyang diin ng obispo na bilang kristiyanong pamayanan ay nawa’y matutuhang tularan ang mabuting halimbawa ni Maria na buong pusong sumunod sa kalooban ng Panginoon.

“As pilgrim Church, we walk with Mary, our Mother and learn from her. We are invited to lovingly gaze at her listening and pondering heart especially as we go through our daily challenging lives and draw inspiration from her,” dagdag ng obispo.

Isasagawa ang Conference of Mary sa Claret School sa Quezon City mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Ito rin ay kasabay ng pagsisimula ng Flores de Mayo bilang pagpapakita ng debosyon sa Mahal na Birheng Maria.
Para sa mga dadalong pisikal mayroong registration fee na P650 para sa pagkain, conference kit, at Certificate of Attendance habang P500 naman para sa dadalo online sa pamamagitan ng zoom.

Sa karagdagang detalye makipag-ugnayan kay Analyn Dayandante sa (02) 8921 3984 local 103.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,918 total reads

 1,918 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 53,202 total reads

 53,202 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 138,568 total reads

 138,568 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 185,304 total reads

 185,304 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 233,175 total reads

 233,175 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 334,592 total reads

 334,592 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top