VeritasPH

The Word, The Truth

Hindi katamaran ang dahilan ng kahirapan

SHARE THE TRUTH

 497 total views

Mga Kapanalig, naniniwala ba kayong kaya mahirap ang mahihirap dahil tamad sila? 

Ito ang tila ipinahihiwatig ni Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD) Secretary Jerry Acuzar sa kanyang pahayag na hindi kayang bayaran ng mahihirap ang low-cost na pabahay ng gobyerno dahil sila ay tamad. Sinabi niya ito sa budget briefing noong Agosto matapos magkomento ang ilang mambabatas na hindi abot-kaya ang buwanang hulog sa bahay sa mga proyekto sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (o 4PH) Program. Mahal daw ang mga ito kahit may subsidiya mula sa gobyerno. Ang 4PH ay ang programang pabahay ng gobyerno na naglalayong matugunan ang 6.5 milyong housing backlog ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang milyong units kada taon sa anim na taong termino ni Pangulong Marcos Jr. Dagdag pa ni Secretary Acuzar, ang papel daw ng DHSUD ay magpatayo ng pabahay: kung “may trabaho, may bahay.” Sa 4PH, siguradong magkakabahay raw ang minimum wage earners. 

Giit naman ni Gabriela Representative Arlene Brosas, hindi matutugunan ng 4PH ang pangangailangan sa pabahay ng pinakamahihirap pero hindi ito dahil sa tamad sila. Aniya, may mga kondisyong lalong nagpapahirap sa mahihirap na makamit ang kanilang mga pangangailangan. Dagdag pa ng mambabatas, taong 1989 pa nang huling magkaroon ng malaking pagtaas ng minimum wage at tila barya na lamang ang itinataas ng sahod ngayon. Batay sa datos ng IBON Foundation, ang pinakamalaking pagtaas ng sahod matapos ang 1986 EDSA Revolution ay noong administrasyon pa ni dating Pangulong Corazon Aquino kung saan tumaas ang minimum wage nang 219% o lampas doble pa.

Madalas tayong makarinig ng mga pahayag na katulad ng sinabi ni Secretary Acuzar. “Kailangan lang natin ng sipag at tiyaga upang umasenso buhay.” “Hindi hadlang ang kahirapan sa tagumpay.” O ‘di kaya: “Kasalanan ng mahihirap kaya sila mahirap.” Ngunit sa totoo lang, hindi nakasalalay ang pag-unlad ng tao sa indibidwal na pagsusumikap lamang. Marami at iba’t iba ang mga kondisyong nakaaapekto sa pag-asenso niya. Kabilang sa mga ito ang kalagayan sa buhay, katayuan sa lipunan, at access sa edukasyon at mga oportunidad. Sabi nga ng isang breadwinner na nagtapos sa pag-aaral kamakailan, kung pagsusumikap lang ang kailangan, ang mga mangingisdang gumigising sa madaling araw ay hindi na dapat namomroblema sa pera. Ang mga nanay na binabalanse ang iba’t ibang gawaing-bahay habang tumutulong sa mga bayarin ng pamilya ay dapat nakatatamasa na ng komportableng buhay. 

Ang patuloy na paglaganap ng pananaw at paniniwalang sipag at tiyaga lang ang kailangan upang umasenso sa buhay ay nagpapatibay lamang sa mga inequalities o ‘di pagkakapantay-pantay sa lipunan. At madalas, ang nagtutulak sa naratibong ito ay ang mga mayayaman at makapangyarihang nakikinabang sa pagpapanatili ng status quo o kasalukuyang kalagayan ng lipunan kung saan natatamasa nila ang karangyaan dahil nagtitiis sa mababang sahod ang mahihirap. Sa halip na hamunin natin ang mga balangkas ng lipunan na nagdudulot ng kahirapan at nagpapalawak ng agwat sa pagitan ng mayaman at dukha, sinisisi at hinuhusgahan natin ang mahihirap. Ito ay taliwas sa mga panlipunan turo ng Simbahan. Ayon nga kay Pope Francis noong 2021, huwag nating husgahan ang mahihirap sapagkat sila ay kadalasang biktima ng kawalan ng katarungan. 

Mga Kapanalig, karapatan ng bawat mamamayan ang magkaroon ng disente at abot-kayang pabahay. At responsabilidad ng gobyernong siguruhing natatamasa ng mga pinalilingkuran nito, lalo na ng mahihirap, ang karapatang ito. Hindi dapat gamiting dahilan ng gobyerno ang diumano’y katamaran ng mahihirap upang pangatwiranan ang pagiging hindi abot-kaya ng programang pabahay nito. Bilang mga lingkod-bayan, huwag sanang tularan ng ating mga opisyales ang “mga namumunong walang malasakit sa kanilang mga nasasakupan at pinababayaan ang mga ito,” gaya ng wika sa Jeremias 23:1. 

Sumainyo ang katotohanan. 

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 1,929 total views

 1,929 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 17,915 total views

 17,915 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 25,961 total views

 25,960 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 31,041 total views

 31,040 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,747 total views

 36,746 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 1,931 total views

 1,931 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 17,917 total views

 17,917 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 25,962 total views

 25,962 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 31,042 total views

 31,042 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 36,748 total views

 36,748 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,219 total views

 44,219 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,144 total views

 41,144 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,458 total views

 55,458 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,148 total views

 59,148 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,751 total views

 57,751 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,738 total views

 67,738 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,706 total views

 71,706 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,593 total views

 82,593 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,032 total views

 95,032 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,790 total views

 105,790 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top