VeritasPH

The Word, The Truth

Hindi lang kalikasan ang dapat pangalagaan

SHARE THE TRUTH

 305 total views

Mga Kapanalig, ipinagdiinang muli ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA noong nakaraang linggo ang kanyang paninindigan laban sa mapanirang pagmimina. Babala niya sa industriya ng pagmimina sa bansa, “Do not destroy the Environment or compromise our Resources. Repair what you have mismanaged.” Nagbanta rin siyang magpapatupad ang pamahalaan ng mas istriktong mga patakaran gaya ng pagbabawal sa open-pit mining. Dagdag pa niya, dapat na napakikinabangan ng mga Pilipino, hindi lamang ng iilan, ang anumang yamang mula sa pagmimina.

Ginamit rin niya ang Boracay bilang simbolo ng kapabayaan ng pamahalaan pagdating sa pangangalaga sa kalikasan, kaya’t hindi raw niya papayagang magpatuloy ang pagkasira ng nasabing isla at iba pang lugar. Ipinagmalaki ng pangulo ang pagpapasara sa Boracay sa turismo sa loob ng anim na buwan bilang hudyat ng pagsisikap ng pamahalaan na isalba ang nasirang paraiso. Hinamon niya ang mga lokal na pamahalaang ipatupad ang mga batas-pangkalikasan at huwag nang hintaying ang pambansang pamahalaan pa ang kumilos sa kanilang mga lugar.

Maganda sa pandinig ang mga binitiwang salita ng pangulo tungkol sa pangangalaga sa kalikasan, lalo na sa mga grupong tumututol sa mapanirang uri ng pagmimina. Malaking tulak din ito para sa mga Organisasyong nagsusulong ng mas maayos na paggamit ng lupa o land use. Muli na naman niyang inudyukan ang mga mambabatas na ipasá na ang National Land Use Act o NLUA. Sa isang banda, sinasalamin ng mga pangungusap na ito ni Pangulong Duterte ang pagtutok ng Administrasyon sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan laban sa mga mapanirang gawain tulad ng hindi responsableng pagmimina at hindi nababantayang turismo.

Sa kabilang banda, walang sinasabi ang mga pangungusap na ito tungkol sa pagbibigay ng katarungan sa mga biktima ng karahasang ang pangunahing target ay ang mga taong ipinaglalaban ang kalikasan mula sa mga mapanirang industriya at negosyo. Ayon sa International watchdog na Global Witness, ang Pilipinas ang itinuturing na pinakamapanganib na bansa sa Asya para sa mga tagapagtanggol ng kalikasan. Sa unang dalawang taon ng administrasyong Duterte, nakita ang pagtaas ng bilang ng mga pinatay na environmental defenders—mula 28 na kaso noong 2016, umakyat ito sa 48 sa pagtatapos ng 2017. Sa buong mundo, pumangalawa tayo sa Brazil sa listahan ng mga bansang may pinakamaraming kaso ng pinatay na environmental defenders noong nakaraang taon. Sa 48 na kaso sa Pilipinas, 20 ang sinasabing may kaugnayan sa pagtutol ng mga environmental defenders sa agribusiness o mga negosyong nangangamkam ng lupa upang pagtayuan ng plantasyon. Halos 6 sa 10 kaso ay sinasabing kagagawan ng mga sundalo, at mahigit kalahati ng mga kaso ay naganap sa rehiyong pinanggalingan ni Pangulong Duterte, ang Mindanao.

At hindi ito kataka-taka dahil, gaya na rin ng sinabi sa report ng Global Witness, nagaganap ang mga ito sa isang kalagayang walang paggalang sa karapatang pantao ang mismong mga nasa poder. Hindi ito kataka-taka sa isang pamahalaang ang inuuna ay militarisasyon sa kanayunan sa halip na bigyang-proteksyon ang mga mamamayan laban sa mga armadong grupong inuupahan ng malalaking negosyo. Dahil sa pagdami ng napapatay na environmental defenders, nababahiran ng duda ang paninindigan ng Administrasyong Duterte para sa kalikasan. Tayo sa Simbahan ay naniniwalang hindi mapaghihiwalay ang pangangalaga sa kalikasan at ang pagtataguyod ng karapatan sa buhay. Naniniwala tayong magkaugnay ang buhay ng tao at ang kalikasan; ang nakasasamâ sa isa ay nakasasamâ rin sa isa.

Kaya mga Kapanalig, maliban sa pagtiyak ng Administrasyong Duterte na naipatutupad ang mga batas-pangkalikasan, tutukan din sana nito ang paggawad ng katarungan sa mga pinapatay na environmental defenders at ang pagbibigay sa kanila ng proteksyon. Ngunit maasahan kaya natin ito sa isang pamahalaang kumikiling sa karahasan at pinipili lamang ang mga taong kinikilala nitong may karapatang pantao?

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 782 total views

 782 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 8,318 total views

 8,318 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 24,304 total views

 24,304 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 32,349 total views

 32,349 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 37,429 total views

 37,429 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 783 total views

 783 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 8,319 total views

 8,319 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 24,305 total views

 24,305 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 32,350 total views

 32,350 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 37,430 total views

 37,430 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 42,878 total views

 42,878 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,664 total views

 44,664 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,589 total views

 41,589 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,903 total views

 55,903 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,593 total views

 59,593 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,196 total views

 58,196 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,183 total views

 68,183 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,151 total views

 72,151 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,038 total views

 83,038 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,477 total views

 95,477 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top