Pagtutulungan ng iba’t-ibang organisasyon ng Simbahan para sa mga biktima ng kalamidad, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,021 total reads

Ikinagalak ng mga Diyosesis sa Luzon Region ang ginagawang pagtutulungan ng iba’t-ibang organisasyon ng Simbahang Katolika para makatugon sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng kalamidad.

Ito ay matapos na maglabas ang Caritas Manila ng mahigit sa 800 libong piso para ipangtulong sa mga lalawigan na naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo na nanalasa sa bansa partikular na sa Central at Northern Luzon.

Sa isinagawang pag-iikot ng ‘Damay Kapanalig Team’ ng Radyo Veritas at Caritas Manila noong sabado ika-27 at 28 ng Hulyo sa Archdiocese of San Fernando Pampanga, Diocese of Tarlac at Diocese of Balanga ay ipinahatid ng mga kinatawan ng mga nabanggit na diyosesis ang kanilang pasasalamat at kagalakan sa natamong ayuda para sa kanilang ginagawang relief operation.

“Malaking bagay po itong binigay ninyo na tulong para sa Diyosesis ng Tarlac at nais ko lang po ibahagi sa inyo na we were able to provide almost 3,000 Bags malaking bagay po ito. Pahayag ni Fr. Randy Salunga, Director ng Caritas Tarlac.

Aminado si Fr. Salunga na matagal nang aktibo ang Simbahan sa relief operation ngunit mas lalo pa itong napapaigting sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba’t-ibang organisasyon ng Simbahan.

“Ever since ginagawa na natin yan pero ngayon ramdam na ramdam ang pagkilos at malasakit natin sa kanila at ito po ay nangyari dahil sa tulong ninyo.” Dagdag pa ni Fr Salunga.

Kaugnay nito, nagpapasalamat din ang kura-Paroko ng San Andres Parish sa Candaba Pampanga sa ginawang pagtugon ng Caritas Manila at Radyo Veritas.

“Nagpapasalamat po kami sa inyo dahil nakarating kayo dito sa Candaba sa tulong ng Caritas Manila, Radyo Veritas at SACOP o Social Action Center of Pampanga, sa kasalukuyan po ay nagbibigay na kami ng relief at napakalaking tulong po ang ginagawa ninyo.” Pahayag ni Rev. Fr. Greg Vega, Parish Priest sa Candaba Pampanga.

Kaugnay nito nagpadala din ng tulong ang Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa Archdiocese of San Fernando Pampanga at Diocese of San Jose Nueva Ecija habang tumugon din ang NASSA-Caritas Philippines sa mga Diyosesis sa Pangasinan at Nueva Ecija.

Magugunitang una ng binatikos ng ilang mga netizens at ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga ginagawa ng Simbahang Katolika sa kabila ng patuloy nitong pagkilos at pagsisislbi sa mga mahihirap.

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 2,226 total reads

 2,226 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 9,258 total reads

 9,258 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 46,638 total reads

 46,638 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 77,909 total reads

 77,909 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 154,866 total reads

 154,866 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 248,655 total reads

 248,655 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 100,173 total reads

 100,173 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top