VeritasPH

The Word, The Truth

Hindi lang si Bagyong Odette

SHARE THE TRUTH

 342 total views

Mga Kapanalig, hinagupit ang Visayas at Hilagang Mindanao noong nakaraang linggo ng Bagyong Odette. Nasa kategoryang super typhoon ang bagyong ito na nag-landfall sa ating bansa noong Huwebes. Itinaas ang signal number 4 sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao. Ngayong nalalapit na ang Pasko, makapagdiriwang pa ba ang ating mga kababayan doon?

Sa Dinagat Island, umabot sa 3,000 katao ang lumikas patungo sa mga evacuation centers ng probinsya. Apektado rin ang Surigao del Norte sa Caraga Region at ang Zamboanga Peninsula. Sa Cagayan de Oro, nasa halos 10,000 katao ang inilikas sa mga evacuation centers dahil sa banta ng matinding pagbaha dala ng pag-apaw ng Cagayan River. Umabot sa 2,000 pamilya ang sumilong sa mga evacuation centers. Ganito rin ang naging sitwasyon sa mga karatig-bayan sa Bukidnon.

Sinalanta rin ng Bagyong Odette ang Visayas. Higit sa 6,400 katao ang nailikas bago mag-landfall sa Cebu City ang bagyo. Nasira din ang mga imprastraktura sa rehiyon. Ganito rin ang sitwasyon sa Bacolod at ilang bayan sa Negros Occidental. Nakapaglikas rin ang mga lokal na pamahalaan sa Bohol, Southern Leyte, at Guiuan sa Eastern Samar. Matatandaan nating marami sa mga lugar na ito ang sinalanta rin ng Bagyong Yolanda noong taong 2013 at Bagyong Sendong noong 2011. Habang isinusulat ang editoryal na ito, umabot na sa 100,000 katao ang apektado ng Bagyong Odette na nagdala ng matinding pagbaha, pagkasira ng mga imprastraktura, pagkawala ng kuryente at linya ng komunikasyon, at pagkasira ng tirahan at kabuhayan ng libu-libo nating kababayan.

Sa paghagupit ng Bagyong Odette sa ating bansa habang nagpapatuloy ang banta ng COVID-19 (at ng bagong variant nito), ang mga bata ang isa sa pinaka-vulnerable sa mga epekto ng dalawang pangyayaring ito. Nagpahayag ang Save the Children, isang NGO na nagtataguyod ng karapatang pambata, ng pagkabahala sa kapakanan ng mga bata at kanilang pamilyang kinailangang lumikas patungo sa mga evacuation centers. Doon ay malalantad sila sa pagkalat ng sakit, katulad ng diarrhea at ng COVID-19. Sa tala ng Save the Children, umabot sa 13,000 mga bata ang nagsiksikan sa mga evacuation centers kung saan hindi laging malinis at kumpleto ang mga pasilidad para sa sanitasyon at kulang ang espasyo upang matulog. Kaya nananawagan ang Save the Children na maayos na ipatupad ang Children’s Emergency Relief and Protection Act (o Republic Act 10821) upang matiyak ang kapakanan ng mga bata, mga nanay, at mga pinakalantad sa epekto ng bagyo.

Sa gitna ng papalakas na papalakas na mga bagyo dahil na rin sa climate change, higit sa pagpapatupad ng mga batas upang sapat na maghanda at agad na tumugon tuwing may bagyo ang kinakailangan. Sa isinagawang United Nations climate summit noong Nobyembre, nanawagan ang mga kabataang miyembro ng Local Conference Youth in the Philippines ng mabuting pamamahala upang itaguyod ang climate justice na magtitiyak sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon para sa mundong ligtas.

Ganito rin ang sinasabi sa atin ni Pope Francis sa kanyang encyclical na Laudato Si’. “What need does the earth have of us?” tanong niya. Hindi na dapat na sabihin nating ito ay para sa susunod na henerasyon. Dapat rin nating makitang nakataya ang dignidad ng lahat sa atin, dahil nasa kamay natin kung pamamanahan natin ng isang mundong hindi angkop tirahan ang mga susunod sa atin. Sabi nga sa 1 Corinto 4:2, bilang mga katiwala ng Diyos, kailangang maging tapat tayo sa layunin ng Panginoon na gawing tahanan ang mundong ito. Magagawa lamang natin iyon kung papangalagaan natin ang nag-iisa nating tahanan.

Mga Kapanalig, marami pang bagyong darating sa ating bansa. Dapat na tayong kumilos, ngayon na!

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 8,933 total views

 8,933 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 16,918 total views

 16,918 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 24,454 total views

 24,454 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 40,439 total views

 40,439 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 48,483 total views

 48,483 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 8,934 total views

 8,934 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 16,919 total views

 16,919 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 24,455 total views

 24,455 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 40,440 total views

 40,440 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 48,484 total views

 48,484 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,760 total views

 45,760 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,185 total views

 44,185 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,971 total views

 45,971 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,896 total views

 42,896 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,210 total views

 57,210 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,900 total views

 60,900 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,503 total views

 59,503 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,490 total views

 69,490 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,458 total views

 73,458 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,345 total views

 84,345 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top