Hindi mabuti ang isang parokya na hindi mulat sa mga naisasantabi sa lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 549 total views

Ito ang pahayag ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Vice President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa pagdiriwang ng kanilang Basic Ecclesial Community Big Day, kasabay ang pagtatapos ng Year of the Clergy and Consecrated Persons at pagbubukas ng Year of the Youth sa Diocese of Kalookan noong ika-17 ng Nobyembre sa Notre Dame of Greater Manila.

Sa pagninilay ng Obispo sa banal na misa, sinabi nitong ang Parokya na isang lumang institusyon ay hindi na epektibo kung naghihintay na lamang ito ng mga mananampalatayang papasok sa simbahan.

Binigyang diin ni Bishop David na ang simbahan ay hindi ang gusali kung saan nagsisimba, dahil ang simbahan ay ang mismong sambayanan na mga alagad ni Kristo.

Dahil dito, sinabi ni Bishop David na mahalaga ang pagbuo ng mga Basic Ecclesial Communities o BEC dahil ang mga munting simbahang ito ang magpapakita na inaalagaan ang mga isinantabi ng lipunan.

“Kung tayo’y isang tunay na Church of the Poor sa ating Diyosesis, aagapay tayo, aalalayan natin ang mga nobodies, ang mga non-entities ang mga walang kwenta sa mata ng lipunan.” pahayag ni Bishop David.

Dahil dito, hinamon ni Bishop David ang mga parokya na kanyang nasasakupan na pagsikapang lalong maging mabuti sa pamamagitan ng pag-abot at pag-agapay sa mga dukha.

Inihayag ng Obispo na sa tulong ng BEC at pagpaparami ng kanilang mga Misson Stations ay mabubuo ang mga “simbahang walang simbahan, simbahan ng sambayanan na maaaring magkatipon kahit walang kapilya, kahit walang gusali, kahit walang isang simbahan.”

Samantala, binigyang diin rin ni Bishop David ang kagalagahan ng mga kabataan sa buhay ng isang parokya.

Hinimok ni Bishop David ang bawat parokya na gawing bahagi ng misyon ng simbahan ang mga kabataan.

“Hindi ako nabibilib sa mga parokyang walang Parish Youth Ministry, dapat hayaan ng simbahan na maging bahagi ang mga kabataan sa misyon ng bawat parokya, at ng mga Basic Ecclesial Communities.” pahayag ng Obispo

Ang Diocese of Kalookan ay mayroong 27 mga parokya at tinatayang 1.3 milyong populasyon ng mga mananampalataya.

Ngayong darating na pagdiriwang ng kapistahan ng Kristong Hari, pormal nang magtatapos ang liturgical year ng simbahan – Year of the Clergy and Consecrated Persons, at magbubukas naman ang bagong taon ng liturhiya – Year of the Youth.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 28,889 total views

 28,889 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 103,503 total views

 103,503 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 183,582 total views

 183,582 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 226,721 total views

 226,721 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 226,072 total views

 226,072 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 347,812 total views

 347,812 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top