VeritasPH

The Word, The Truth

Hindi na sapat ang SOCE

SHARE THE TRUTH

 183 total views

Mga Kapanalig, sa ilalim ng ating batas lahat ng mga tumakbo sa isang eleksyon, nanalo man o hindi, ay obligadong magsumite ng Statement of Contributions and Expenditures (o SOCE). Inilalahad ng SOCE kung magkano ang mga natanggap nilang mga donasyon at ang ginastos sa kanilang kampanya. May takdang halaga ang maaari lamang gastusin ng mga kandidato para sa lokal sa posisyon at mas mataas na halaga para naman sa mga pambansang posisyon. Ang layunin ng batas na nagtatakda ng limitasyon sa maaaring gastusin ay upang hindi gaanong mapaboran ang mga mas mayayamang kandidato sa pagpapalabas ng mga patalastas at iba pang mga gamit-pangkampanyang magbibigay sa kanila ng bentahe sa ibang kandidato.

Ngunit gaano nga ba ka-epektibo ang regulasyong ito?

Bagamat karamihan sa mga kandidatong tumakbo sa pambansa at lokal na mga posisyon ay nakapagsumite naman ng kanilang SOCE sa takdang panahon, itinatanong pa rin ng marami kung ang mga impormasyong nakasaad sa SOCE nila ay makatotohanan at tunay na sumasalamin sa aktwal na halagang ginugol nila sa kanilang kampanya.

Ikalawa, talaga bang binubusisi ng COMELEC at may sapat na kakayahan at tauhan ba ito upang berepikahin ang mga impormasyong nakasaad sa mga SOCE ng mga kandidato?

Ikatlo, dahil sa paglaganap ng iba’t ibang paraan ng pagpapakalat ng impormasyon sa social media, hindi kaya mas marami nang paraan ngayon ng pangangampanya na hindi limitado sa mga binabayarang patalastas o campaign posters?  Sa katunayan, laganap ang pananaw na higit na nakakaimpluwensiya sa pananaw ng mga tao ang mga nasasagap nila mula sa social media na hindi naman lahat ay binabayaran o kaya ay madaling itago ang halaga kung binabayaran man.

Sa panahon ngayon, hindi na lamang ang dami ng impormasyon ang nakapagbibigay ng bentahe sa mga kandidatong may pera. Ang kalidad at pagiging totoo ng impormasyon ang higit na mahalaga. Dahil dito, hindi na sumasapat ang batas na nag-oobliga sa mga kandidatong magsumite ng SOCE. Kailangan ding magkaroon ng batas at regulasyon upang pigilan ang pagkalat ng mga maling impormasyon.

Ang resulta ng nakaraang eleksyon ay nagpakita na lalong dumami ang mga nahalal na mga kandidatong kabilang sa mga tinatawag nating political dynasties. Ang layunin ng isang batas gaya ng pagsusumite ng SOCE ay upang mapigilan na ang mga may pera at nasa poder ang laging nananalo sa mga eleksyon. Maliwanag na ang batas na ito ay hindi epektibo, lalo na ngayong maraming paraan upang itago ang paggamit ng pera upang makaimpluwensiya ng boto.

Maliban sa mga batas, higit na kailangan nating isapuso at ipaalala sa isa’t isa ang tunay na layunin ng pulitika. Ang ating Santo Papa ay may mataas ang pagtingin sa pulitika bilang paraan ng pagsasabuhay at pagpapamalas ng pag-ibig sa kapwa. Aniya, sa pakikilahok sa pulitika, naisasabuhay natin ang pag-ibig sa antas ng lipunan sapagkat ang inaasam ng pulitika ay ang kabutihang panlahat.  Kapag ang pag-ibig ay hindi para sa lahat, sabi ng Santo Papa, nabibigo ang pulitika sa layunin nito. Kung ang isang kandidato ay hindi nagsasabi ng katotohanan tungkol sa tunay na halaga ng kanyang ginastos sa pangangampanya o kaya ay nagpapakalat ng mga maling impormasyon tungkol sa kanyang sarili, paano siya maaasahang magsulong ng kabutihang panlahat?

Mga Kapanalig, gamitin nating imahe ang mababasa natin sa Lucas 10:25-37. Ang kabutihang-loob na ipinamalas ng Samaritano sa taong ninakawan at binugbog ng mga magnanakaw at iniwang halos mamatay sa daan ay kabutihang mararamdaman ng lahat kung ang mga ahensiya ng gobyerno ay tumatakbo nang maayos at ginagawa ang kanilang tungkulin.  Magiging ganito sila kung ang mga pulitikong naihahalal natin ay tapat, nagsasabi ng katotohanan, at tunay na nakatuon sa kabutihang panlahat.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

BPO industry

 13,605 total views

 13,605 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 21,650 total views

 21,650 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 26,730 total views

 26,730 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 32,436 total views

 32,436 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 41,224 total views

 41,224 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 13,606 total views

 13,606 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 21,651 total views

 21,651 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 26,731 total views

 26,731 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 32,437 total views

 32,437 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 41,225 total views

 41,225 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 40,828 total views

 40,828 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,142 total views

 55,142 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 58,832 total views

 58,832 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 57,435 total views

 57,435 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 67,422 total views

 67,422 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 71,390 total views

 71,390 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,277 total views

 82,277 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 94,716 total views

 94,716 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 105,474 total views

 105,474 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 52,727 total views

 52,727 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top