VeritasPH

The Word, The Truth

Hindi nag-iisa si Reymark

SHARE THE TRUTH

 224 total views

Mga Kapanalig, nag-viral sa social media noong nakaraang linggo ang kuwento ng batang si Reymark Mariano. Sa edad na sampu, nag-aararo na siya ng dalawang ektaryang bukirin sa Sultan Kudarat. Ang nakahahabag niyang pahayag, “Maliit pa ako, ganito na ang trabaho ko. Napapagod na po akong mag-araro. Pero sige lang, kakayanin ko para sa pamilya ko.” Sinong may matigas na puso ang hindi mahahabag sa mga salitang ito ng isang musmos?

Dahil hindi na niya kasama ang kanyang ina at ama, katulong si Reymark ng kaniyang lolo sa pag-aararo at pag-aani sa bukid. Batid ng kanyang lolo ang nakakaawang kalagayan ni Reymark. Sa halip na siya ay naglalaro at tinatamasa ang kanyang pagkabata, nagbabanat siya ng buto at minsan pa nga ay nasusugatan ang kanyang murang katawan. Pagkatapos ng paglabas ng kanyang kuwento sa isang programa sa telebisyon, nakatanggap si Reymark at ang kanyang pamilya ng tulong mula sa iba’t iba ahensya ng gobyerno. Binigyan siya ng DSWD ng mga gamit sa pag-aaral at groceries. Mga fertilizer naman ang galing sa Department of Agriculture. Nakatanggap din ng gamot ang kanyang lolo at lola. Ikinatuwa ang mga ito ni Reymark, at nagpasalamat siya sa napakalaking tulong na natanggap nila.

Ngunit hindi nag-iisa si Reymark. Halos isa sa bawat isang sampung batang 5 hanggang 14 na taóng gulang ang kinakailangan nang magbanat ng buto. Karamihan sa kanila ay katulad ni Reymark na nagtatrabaho sa mga bukid. Samantala, apat sa bawat sampung bata naman ay sa sektor ng pagseserbisyo at nagtatrabaho bilang mga kasambahay o  nangangalakal. Bagamat pirmado ng pamahalaang Pilipinas ang mga pandaigdigang kasunduan ukol sa pagbibigay-proteksyon sa mga bata laban sa child labor at itinatakda ng ating batas ang 15 taóng gulang bilang pinakamababang edad upang ligal na makapagtrabaho ang isang indibidwal, hindi pa rin naiiwasan ang mga katulad ni Reymark na napipilitang magtrabaho dala na rin ng kahirapan.

Idineklara ng United Nations ang taóng 2021 bilang International Year for the Elimination of Child Labor. Hinihimok nito ang mga bansa sa buong mundo na patatagin ang kanilang mga patakaran at programang layong iwasan at tapusin ang pinakamalalalang anyo ng child labor. Tinatawag din ang pansin ng iba’t ibang sektor, katulad ng business sector at civil society, upang makiisa sa layuning ito. Mahalaga ang panawagang ito lalo na’t mula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon, dumami ang mga batang napilitang magtrabaho upang tulungan ang mga magulang nilang nawalan ng trabaho. Ayon sa mga pag-aaral, sa bawat isang porsyentong pag-akyat ng kahirapan sa mga bansa, halos isang porsyento rin ang pag-akyat ng bilang mga batang nagtatrabaho.

Ang pagkahabag na ating naramdaman sa kuwento ni Reymark ay nagpapaalala sa ating tayong mga nakatatanda ay tumatayong mga magulang sa bawat batang Pilipino. At sabi nga sa 2 Corinto 12:14, “Ang mga magulang ang dapat mag-impok para sa mga anak, at hindi ang mga anak para sa mga magulang.” Tayong mga nakatatanda ang may responsibilidad na magtrabaho para sa kapakanan ng mga bata. Dagdag pa ni Pope Leo XIII sa kaniyang encyclical na Rerum Novarum, ang trabahong nararapat sa mga nakatatanda ay hindi dapat inaasahan o ipinapasa sa mga bata. Kinakailangan ang ibayong pag-iingat dahil ang kanilang mga katawan at pag-iisip ay nasa estado pa ng pag-unlad.

Mga Kapanalig, hindi nag-iisa si Reymark sa pagpasan sa kalagayang nagtutulak sa mga batang katulad niyang magtrabaho. Para sa mga batang katulad ni Reymark na sa halip na naglalaro at nag-aaral, hindi sapat ang minsanang tulong. Karapat-dapat silang bigyan ng pantay na pagkakataon sa buhay. Huwag nating hayaang nakawin ng kahirapan at maagang pagbabanat ng buto ang pagkabata ng milyun-milyong batang Pilipino.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 6,959 total views

 6,959 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 14,944 total views

 14,944 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 22,480 total views

 22,480 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 38,466 total views

 38,466 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 46,510 total views

 46,510 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 6,960 total views

 6,960 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 14,945 total views

 14,945 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 22,481 total views

 22,481 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 38,467 total views

 38,467 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 46,511 total views

 46,511 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,611 total views

 45,611 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 44,036 total views

 44,036 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,822 total views

 45,822 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,747 total views

 42,747 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 57,061 total views

 57,061 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,751 total views

 60,751 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,354 total views

 59,354 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,341 total views

 69,341 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,309 total views

 73,309 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,196 total views

 84,196 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top